Loisa Andalio admits she’s going out with Ronnie Alonte

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/20/2017 07:53 PM
Loisa Andalio admits she’s going out with Ronnie Alonte

 

Matagal nang nali-link ang aktres na si Loisa Andalio sa Hashtags member na si Ronnie Alonte ngunit mariin nilang pinapabulaanan na may relasyon sila.

Ngunit sa isang episode ng Magandang Buhay ngayong Miyerkules, Setyembre 20, umamin si Loisa na lumalabas silang dalawa.


Nang tanungin kung napapadalas ba siya sa Laguna kung saan lumaki si Ronnie, sinabi lamang niyang lumalabas sila ‘pag may okasyon.

"Nakikita lang po kami ng mga tao kapag lumalabas kami ni Ronnie," pag-amin ni Loisa. “Pero 'yung labas naman po namin ay kapag may okasyon po. Kapag wala kaming ginagawa, nagba-bike kami o nagbo-boxing kami, ganun po,” kwento niya.

WATCH: Bakit nga ba madalas si Loisa sa Laguna?