• Home
  • Fresh Scoops
  • Joross Gamboa ibinahagi ang mga kailangan pang abangan sa ‘La Luna Sangre’

Joross Gamboa bilib sa kabaitan ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Joross Gamboa ibinahagi ang mga kailangan pang abangan sa ‘La Luna Sangre’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/20/2017 10:40 AM
Joross Gamboa bilib sa kabaitan ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

 

Isa ang kapamilya actor na si Joross Gamboa sa mga napapanuod gabi-gabi sa La Luna Sangre. Gumaganap siya bilang si Barristo na malapit sa karakter ni Malia na ginagampanan ni Kathryn Bernardo.

Sa panayam na ito sa La Luna Sangre star sa katatapos lang na Manila International Book Fair kung saan nagbigay suporta siya sa re-launch ng Mag Artista Ka na likha ng kanyang manager na si Noel Ferrer, ibinahagi ni Joross ang mga dapat pang abangan sa show.


 

🌕🐺 #baristo #lalunasangre

A post shared by Joross Gamboa&Katz Saga-Gamboa (@jorossandkatz) on

"Magkakaroon ulit ng Great War, isang matinding giyera so isang matinding aksyunan ulit, dapat abangan. Ayaw ko magpaka-spoiler," pahayag ni Joross.

Puring-puri din ni Joross ang mga bida ng La Luna Sangre na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na aniya ay napaka-propesyonal sa trabaho.

"Sobrang saya, sobrang down-to-earth yung dalawang bata Daniel Padilla and Kathryn Bernardo at sobrang galing umarte parehas at walang ere. Magaan katrabaho, free-flowing ang atmosphere sa set namin at walang pasaway," sabi pa nito.

Kasabay naman ng maatikabong bakbakan ng mga bampira at lobo ang pagkalagas din ng mga karakter. Ayon pa kay Joross, minsan ay naapektuhan siya kapag nangyayari ito.

 

#LLU #LaLunaSangre 🌕🐺🦇

A post shared by Joross Gamboa&Katz Saga-Gamboa (@jorossandkatz) on

"Malungkot siyempre kasi may bonding na e. Kami naman pare-parehas naman kami nagtatrabaho. Ang importante hindi kami mga galing friends, meaning magkakaibigan pa din kahit hindi na magkakatrabaho," sabi pa ni Joross.

Looking forward pa din si Joross para sa mga maaring magbago at magpaganda ng kuwento ng La Luna Sangre.

"May mga character na talagang mapapamahal ka tapos bigla mawawala so medyo masakit yun sa audience pero may papasok ulit na mga bago so continuous cycle ito. Pero siyempre may surprise palagi," pagtatapos na pahayag ni Joross.