Umani ng iba't ibang komento sa social media ang plano na isang libong pisong lamang ang magiging pondo para sa Commission on Human Rights.
Dahil dito, sumalang sa kakaibang Question and Answer ng PUSH ang mga Pinay beauty queens tungkol sa isyu na ito.
Kabilang sa mga natanong ng PUSH ang dalawang pinay beauty queen na pinarangalan bilang 2017 Women of Style and Substance ng People Asia Magazine na sina 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon at 2017 Binibining Pilipinas Universe Rachel Peters.
"I believe that at the end of the day it shouldn't be about political side or whose side you're on. It's really about being human and being true to yourself that you need those rights. And it’s really saddening to realize that people put a number on your rights so I'm hoping that they really do something about it," pahayag ni Mariel.
"These people are really working on human rights of the Filipino people and I don't think it's fair that they given such a (Budget) you know (1000php) is that really a budget? I mean I'm hoping that they reconsider that and I'm optimistic that things will change and they can make a better decision," sabi naman ni Rachel.
Kasama din sa sumagot si 2017 Binibining Pilipinas Grand International Elizabeth Clenci na present din sa event para magbigay suporta noon sa mga kaibigan.
"It's really difficult to judge what goes on in the government because everyone is doing their best, but I think it's important that we focus not just solely to the budget but doing everything we can as individual because we know that human rights is an important thing within the society," sabi nito.
Hindi din nagpahuli na pagsagot ang mga Tourism Queens na present naman sa Opening ng Osaka Takoyaki Japanese Restaurant na sina 2017 Miss NAITAS Tourism Sarah Margarette Joson at 2015 Miss Tourism World Roanne Refrea.
"I hope they find time to review their decision kasi bawat Pilipino ay kailangan ng karapatan na proteksyon na kanilang karapatan bilang mga tao," sabi ni Sarah.
"Kailangan siguro ng mas malalim pang pag-aaral kasi hindi lang naman tayo sa henerasyon natin ang apektado, mas maapektuhan din yung mga karapatan din ng mga susunod pa sa ating mga kabataan na pwedeng mawalan na din ng karapatan sa kinabukasan," pahayag ni Roanne.
Umaasa naman si 2005 Miss International Precious Lara Quigaman na magkaroon ng puso ang mga lawmakers sa kanilang magiging desisyon para sa ikabubuti ng mga Pilipino.
"Kailangan siguro talaga ng puso ng mga taong nag de decide nito, kasi hindi pwedeng isang libo lang. Sino ba naman ang mag survive doon? Parang sinasabi na isara nalang. Pero hindi pwede kasi kailangan pa din talaga natin ng agency na talagang mag protekta doon sa mga taong na ngangailangan ng protection," pahayag niya.