• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor at Vilma Santos bibigyan ng Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino award ng PMPC

Nora Aunor at Vilma Santos bibigyan ng Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino award ng PMPC

Mga naging leading men nina Nora Aunor at Vilma Santos haharanahin sila sa isang special tribute.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/2/2017 9:46 AM
Nora Aunor at Vilma Santos bibigyan ng Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino award ng PMPC


 

Handang-handa na ang lahat para sa isang maniningning na Gabi ng Parangal ng 33rd PMPC Star Awards For Movies na gaganapin sa September 3, 2017, sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila.

Magsisilbing hosts sina Robi Domingo, Alex Gonzaga, Daniel Matsunaga, Aljur Abrenica at Yassi Pressman.

Sa opening number, maghahandog ng awitin sina Christian Bautista at Isay Alvarez, habang sing and dance naman sa isang Bruno Mars medley sina Sam Concepcion, Edgar Allan Guzman at Darren Espanto.

Isang dance number naman ang ihahandog nina Ciara Sotto, Jon Lucas, Maris Racal, Sofia Andres, Grae Fernandez at Zeus Collins.

Pagkakalooban ng natatanging karangalan bilang Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino sina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos at bilang tribute ay haharanahin sila ng mga naging leading men nilang sina Christopher de Leon at Gabby Concepcion.

Ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob kay Pen Medina at si Direk Joel Lamangan ang tatanggap ng Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Samantala, inaabangan na kung sinu-sino ang mananalo sa acting category ng PMPC Star Awards for Movies at kung sino rin ang tatanghaling best picture at best director.

Mula sa pamunuan ng pangulong Fernan de Guzman, mga opisyal at miyembro ng PMPC, ang 33rd Star Awards For Movies ay sa produksyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino sa direksyon ni Bert de Leon.

Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN Sunday's Best sa September 10, 2017.