• Home
  • Fresh Scoops
  • Julian Trono at Ella Cruz, ayaw lagyan ng label ang kanilang relasyon.

Julian Trono at Ella Cruz, umaming in love na sa isa’t isa

Julian Trono at Ella Cruz, ayaw lagyan ng label ang kanilang relasyon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/02/2017 09:36 AM
Julian Trono at Ella Cruz, umaming in love na sa isa’t isa

 

Nabuko rin sa wakas ng ilang entertainment press ang totoong nararamdaman sa isa’t isa nina Ella Cruz at Julian Trono na bida sa pelikula ng Viva Films na Fangirl Fanboy na showing on September 6

Sa simula, panay pa ang tanggi nina Julian at Ella. Iba rin ang naging reaksyon nila sa tanong kung sa palagay ba nila ay mas okey na may relasyon ang magka-love team.


Ani Ella, “Kasi paano po pag naghiwalay kayo bilang love team?”

Sagot naman ni Julian, “Oo nga, tama. At saka… kasi bilang artist kayo, dapat hindi nyo kailangang magkaroon ng mas malalim (na relasyon).”

Eh, bakit ang JaDine (James Reid & Nadine Lustre)?

“Siguro, eventually. With JaDine po kasi, after few years do’n nila natutunan. Hindi na siya nadala na lang. Kumbaga, after a year biglang naging sila.

“Naging natural kasi ang tagal na nilang magkakilala tapos parang may something at ito na yung nararamdaman nila,” paliwanag naman ni Julian.

Sa mga sumunod na tanong, napaamin na rin ang dalawa.

Sa tingin ba nila sino ang mauunang mai-in love sa kanila?

“Si Julian po,” sagot ni Ella.

Hindi ka pa ba in love kay Ella?

“Po?” paiwas na sagot ni Julian hanggang eventually ay sinabi rin na, “I am always in love.”

Pero are you romantically in love with Ella or not yet?

“Are you?” tanong niya sa katabing si Ella na pinipilit iwasan ang tanong.

Pero dahil makulit ang press, bumigay din si Julian.

“Yes, I am!” tumatango niyang pahayag.

Patuloy niya, “Of course, I have strong feelings for her and having that strong feeling, you try to take good care of it.

“Ang dali lang po kasing, ‘Okey, ito yung nararamdman ko, parehas tayo ng nararamdaman, game na, tayo na.’ Pero paano kung mag-fail? Paano kung hindi pa time?”

Kailan ba niya naramdamang na in love na siya kay Ella?

“Earlier this year.”

Inopen ba niya kay Ella ang feelings niya?

“Opo. Pero wala pa po sa part ng officially kami na,” sey naman ni Ella.

Eh, bakit ayaw nilang aminin publicly ang kanilang nararamdaman?

“Para mas maging malinaw po, we both have strong feelings for each other. Right now kasi nagwo-work kami. Yung opportunities patuloy nang patuloy. Ang hirap po kasing unahin ng nararamdman namin ngayon.

“We’re trying to be more responsible and at the same time, darating po kami do’n, eh. Yung opportunities, dumadaan yan, two or three years from now baka mawala.

“Yung feelings kasi nandito lang yan, eh, as long as magkasama kami, nagkikita kami,” paliwanag ng binata.

So, exclusively dating na kayo?

“Hindi nga po kami nagdi-date. Wala pong label,” sey ni Ella na sinigundahan naman ni Julian ng, “We don’t go out.”

May selosan na ba kayo ngayon?

“Opo. Siya po ang mas nagseselos,” pag-amin ni Ella.

Kanino naman?

“Wala naman po. Basta that regular kind of jealousy lang,” hirit naman ni Julian.