• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon sa aktor, handa naman siyang samahan si Shaina kung wala itong kasama sa September 30.

Piolo Pascual at Shaina Magdayao magka-date nga ba sa nalalapit na Star Magic Ball?

Ayon sa aktor, handa naman siyang samahan si Shaina kung wala itong kasama sa September 30.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/19/2017 08:18 PM
Piolo Pascual at Shaina Magdayao magka-date nga ba sa nalalapit na Star Magic Ball?

 

Fresh at all-smiles ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual nang nakapayam ito ng PUSH para sa taunang Fun Run celebration ng Sunlife na may tema ngayong taon na SunPiology Duo Event.

Dito, hindi mapigilan na itanong ng entertainment press kay Piolo ang kanyang preparasyon para sa nalalapit na Star Magic Ball, kabilang na ang kanyang magiging date sa gabi ng September 30.


"Hindi ko alam e, I’ll cross the bridge when I get there," natatawang pahayag ni Piolo.

Ayon pa kay Piolo na tuwing Star Magic Ball ay nakasanayan na nila ni Shaina na sila ang magkasama sa gabi ng kasiyahan.

"Buti pa yung anak ko (Iñigo Pascual) may date na, (laughs). No, but if there's anyone naman, Shaina and I have been going there not just as a couple or even together but we always end up looking for each other, it's  become a yearly tradition," sabi pa ni Piolo. 

Dagdag pa ni Piolo kung sakaling wala man talagang kasama si Shaina ng gabing iyon ay handa siyang samahan si Shaina.

"With due respect to her, if she's not gonna be with anyone I'll be there for her." pagtatapos na pahayag ni Piolo.