• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerome Ponce nagkaroon ng balak na magtrabaho na lang sa ibang bansa.

EXCLUSIVE: Jerome Ponce, inaming ang GF na si Mika Reyes is a very good influence in his life now

Jerome Ponce nagkaroon ng balak na magtrabaho na lang sa ibang bansa.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/19/2017 09:52 AM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce, inaming ang GF na si Mika Reyes is a very good influence in his life now

 

Aminado ang isa sa mga bida ng The Good Son na si Jerome Ponce na bahagi ng mga pagbabago at mas pagiging mature niya sa buhay ang kasintahang volleyball player na si Mika Reyes.

“Yes, she’s a big part of it,” sabi niya sa PUSH.


“Well, pagdating don sa maturity, I don’t know, pero dumarating na lang din siguro yon naturally. Aminado naman ako after everything happened, marami akong na-realize, marami rin akong natutunan.

“Masasabi ko ngayon na lahat may meaning, lahat may reason, lahat may way– hindi para ibalik yung dati but to make things okay, yung na-burn na bridge ay mabuo ulit, ganun,” dagdag ng aktor.

Proud ding sinabi sa PUSH ni Jerome na good influence sa buhay niya si Mika.

“She really is,” pag-amin niya. “She is nice, she is positive. She is very…mas pinu-push niya pa ako at mas mino-motivate in every way lalo na sa life personally.

“Maybe she doesn’t know something or anything sa showbiz, but personally, natutulungan niya ako,” sabi pa niya.

Magkaganun man, hindi pa rin nawawala sa plano ni Jerome ang umalis ng bansa at magtrabaho abroad.

“Yung plano kong umalis ng bansa, gusto ko pa rin yun hanggang ngayon. It’s just that, nabibigyan ako ng pagkakataon ngayon dito sa showbiz. Pero pag wala na, baka yon na ang gawin ko (mag-abroad).

“Ngayon kasi, masarap isipin na may mga taong hindi napapagod sa pagbibigay sa ‘yo ng pagkakataon,” he said.

Balak ding bumalik sa pag-aaral ni Jerome.

“Yeah, ini-encourage niya ako. Pero ako talaga yung… hindi pa kaya, eh. Hindi kaya ng Civil Engineering, hindi kaya ng Business Management kasi MWF ang taping ko.

“Tapos sobrang stress pa ako sa karakter ko, hindi kaya ng schedule ko. Pero pag okay na, may plan ako to take up Business Management in San Beda."

Samantala, may reaksyon naman ang binata sa isyung nauna pang nagkaroon ng acting award sa kanya si Joshua Garcia na isa rin sa cast ng The Good Son.

"Katulad nga ng sabi niya, may mga bagay talaga na kapag para sa yo, para sa yo talaga. Para sa kanya yon, para sa akin ang role na to, and it would justify what I can and what I can have,” katwiran niya.

Bukod kina Jerome at Joshua, kasama rin sa cast ng The Good Son sina McCoy de Leon, Elisse Joson, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Eula Valdez, John Estrada at Mylene Dizon. Ipapalabas na ito simula September 25 sa ABS-CBN Primetime Bida.