• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy Marquez idinetalye kung bakit niya hinahangaan si Vice Ganda.

Empoy Marquez gustong makatrabaho si Vice Ganda

Empoy Marquez idinetalye kung bakit niya hinahangaan si Vice Ganda.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/19/2017 09:56 AM
Empoy Marquez gustong makatrabaho si Vice Ganda

 

New look ang komedyanteng si Empoy Marquez sa kanyang latest pictorial session para sa kanyang upcoming movie na Ang Kuwento ni Money.

Kababalik lang ni Empoy mula sa Singapore kung saan sila nag-shoot ng commercial para sa kanyang bagong endorsement.

Ayon kay Empoy, bitin daw ang kanyang Singapore trip dahil hindi siya nagkaroon ng panahon makapamasyal.

"Sobrang maiksi po ang time pero ang ganda doon pala. Marami rin Pilipino kababayan natin," sabi pa ni Empoy.

Kung napakilig ni Empoy ang lahat sa box office hit ng Kita Kita, pagpapahalaga naman sa history ng bansa ang hatid ngayon ng komedyante sa kanyang upcoming movie na irerelease ng Star Cinema.

"It's a story about the history of the Philippines, story ng peso natin. Marami po sila matututunan dito sa Ang Kuwento ni Money."

Naibahagi din ni Empoy kung sino sa kanyang mga idolo ang gusto niya makasama sa isang proyekto.

"Sila Bossing Vic Sotto, Tito Joey De leon. Lalo na po si Vice Ganda kasi matalino siya, alam niya lahat kung ano gagawin. Mabilis pumick-up yun si Vice."

Mapapanuod na ang Ang Kuwento ni Money sa darating na October 25.