• Home
  • Fresh Scoops
  • Sabi ni Sarah, matagal na daw gustong sundan ni Richard ang kanilang anak na si Zion.

Ano ang pinaglilihian ni Sarah Lahbati sa kanilang second baby ni Richard Gutierrez?

Sabi ni Sarah, matagal na daw gustong sundan ni Richard ang kanilang anak na si Zion.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/19/2017 08:10 PM
Ano ang pinaglilihian ni Sarah Lahbati sa kanilang second baby ni Richard Gutierrez?
Photo credits to @sarahlahbati IG

Masayang masaya si Sarah Lahbati sa panibagong blessing na kanilang natanggap ngayon ng partner na si Richard Gutierrez.

Kahapon September 18, inanunsyo ni Sarah Lahbati sa kanyang Social Media account ang magandang balita na ito tungkol sa kanyang pregnancy.

Sa exclusive phone interview na ito kay Sarah, ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan dahil sa kanyang pagdadalang tao.

"Super happy of course, another blessing, tamang tama lang ang panahon na nagbuntis ako ngayon because Zion is four years old na and actually araw-araw niya ako kinukulit, ‘Mama I want a brother, I want a sister.’ So of course, we’re very happy and excited to find out whether I’m having a boy or a girl," sabi ni Sarah.

Aminado ang aktres na matagal na niyang alam ito pero mas pinili muna niya na siguraduhin na maayos na sa kanyang sinapupunan ang kanilang baby.

"Matagal na namin alam pero itinago muna namin kasi parang nagkaroon ng complications noong una. Nag-bed rest muna ako nung sinabi ng doktor na ok na ok na ang heartbeat, gumagalaw na, pwede ka na mag work ulit and go on with your routine. Ayun doon namin plinano i-announce."

Wala rin daw mapagsidlan ng tuwa ang kanyang partner na si Richard Gutierrez.

"Very happy. Matagal na siya nagpaparinig sa akin, matagal na niya ginusto ito na magkaroon ng kapatid si Zion, last year pa. Pero I think now is the right time," kwento pa ni Sarah.

Bukod sa kanyang partner, mas excited din ngayon ang kanyang soon to be in laws na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez para sa paparating na bagong miyembro ng kanilang pamilya.

"Excited din sila, super happy, very excited sila to have another Zion or girl version ni Zion."

Wala din daw issue kay Sarah kung girl or boy ang kanyang second baby.

"Basta healthy na baby ok na ako, masaya na ako. Siyempre gusto ni Chard kung pwede, magka-babae ako, that would be wonderful kumpleto na kami sa family. Let’s see, let’s see."

Pero ayon umano sa hula ng mga magulang ni Sarah at ni Annabel, babae ang kanilang magiging next na apo.

"Kasabihan ng mga nanay, I think magkaka-babae ka kasi lagi ka nag-aayos, lagi kang ganito, ganyan. Ganun din si Tita Annabelle, marami rin sayings. As of now, kanya-kanyang hulaan muna sila," natatawa pa niyang kwento.

Dahil sa kanyang pagdadalang tao, plano din daw ni Sarah ngayon na mag-slow down muna sa Showbiz para makapag ipon ng lakas para sa kanyang panganganak na nakatakda sa April 2018.

"Magta-trabaho pa rin ako, pero slow down lang, ayoko naman na may mangyari sa akin at sa baby. Yung pagsasayaw, mas kalmado na lang muna yung sayaw ko. Last Sunday, last muna iyon. Siguro if I’m gonna dance, kalmado lang muna."

Ayon pa kay Sarah malaking adjustment muli ang kanyang gagawin sa kanyang muling pagbubutis.

"Safe na safe naman ako for a couple of weeks na. I've been working and nawala ang headaches ko. So far, so good. I’m healthy and there’s a very healthy baby inside me. Pero physically medyo mas mahirap ngayon, pero mentally, mas madali kasi alam ko na kung ano i-expect ko sa changes ng body ko. With Zion kasi napakamaselan ko, hindi ako makalabas ng kwarto, konting amoy lang ng ganito, I need to go to the toilet, pero ngayon mas nadadalian ako."

Masayang kwento pa ni Sarah, favorite daw niyang kainin ngayon ang mga Chinese food gaya ng hakaw.

"Oh my gosh, yes grabe! Ang hilig ko sa Chinese food ngayon lalo na yung hakaw dimsum na may spicy sauce at yung corn soup," pahayag pa ni Sarah.