Kilalanin ang mga “sing-vestigators” ng ‘I Can See Your Voice’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/18/2017 12:39 PM
Kilalanin ang mga “sing-vestigators” ng ‘I Can See Your Voice’

 

Pinag-usapan nitong weekend ang unang pagpapalabas ng Pinoy franchise ng hit Korean musical mystery game na I Can See Your Voice sa ABS-CBN.

Sa pangunguna ng host nito na si Luis Manzano, masaya at napuno ng katatawanan ang programa kasama ang mga “sing-vestigators” na tumutulong manghula kung sino ang tunay na singers at ang kung sino ang mga “seen-tunado” na contestants.


Isa ang komedyanteng si Wacky Kiray sa aminadong challenging ang maging “sing-vestigator.”

"Actually mahirap ang trabaho ng sing-vestigators kasi tinitingnan namin kung sino talaga ang totoong singer at sino ang nagpapanggap na singer lang," ani ni Wacky Kiray.

Kasama rin ang birit queen na si Angeline Quinto sa mga huhula.

"Sobrang iba po ito sa madalas na napapanood namin, kumbaga ang trabaho namin dito, hindi lang ‘yung maganda sa contestant ang mapuna namin, kailangan lahat," sabi naman niya.

Kulitan naman ang hatid nina Kean Cipriano at Alex Gonzaga sa game show.

"Para kami konsensya ng players. Kami ang nag-ga-guide sa kanya, pwede rin nanggugulo kami kasi wala naman idea kung sino ang hindi," sabi ni Kean.

"Manggugulo lang kami here pero minsan tinutulungan din namin kasi ‘di rin namin kilala kung sino talaga yung singers," masayang pahayag naman ni Alex.

Makakasama rin sa I Can See Your Voice ang rap artist na si Andrew E. na thankful na mapasama sa bagong Kapamilya show na may kakaibang tema.

 

Paano kaya kikilatisin ni Andrew E. ang ating mga Secret Songers? Malalaman na yan, 7 Days na lang! #ICanSeeYourVoice

A post shared by I Can See Your Voice PH (@icsyvph) on

"Bihira kasi ang project na ganito kaganda so na-e-entice din ako na ‘Uy! That’s good, that’s good! Sana mapabilang din ako!’ At heto na nga!" aniya.

Mapapanuod ang I Can See Your Voice tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya network.