Debut album ni Maymay Entrata, umabot na sa platinum record status

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/18/2017 05:07 PM
Debut album ni Maymay Entrata, umabot na sa platinum record status

 

Tuloy-tuloy ang blessings na natatanggap ngayon ng Pinoy Big brother Lucky Season 7 big winner na si Maymay Entrata. Matapos lumabas ng PBB house, nagkaroon na siya agad ng debut album at bida pa sa pelikulang Loving in Tandem.

Ang sold-out self-titled album niya ay nakabenta na ng 15,000 na kopya kung kaya naman umabot ito sa platinum record status.


"Maraming, maraming salamat po sa lahat ng sumuporta. Sobrang saya ko po ngayon," ani Maymay sa ASAP Chillout kahapon, September 17.

 

Congratulations Maymay for reaching Platinum Record Award on your Self-titled debut album!!! đŸ’•

A post shared by Star Music (@starmusicph) on