• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia, Jerome Ponce, Nash Aguas, and McCoy De Leon share family memories.

‘The Good Son’ stars remember their fondest memories of their fathers

Joshua Garcia, Jerome Ponce, Nash Aguas, and McCoy De Leon share family memories.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

09/17/2017 09:58 AM
‘The Good Son’ stars remember their fondest memories of their fathers

 

During the recent blogcon for the upcoming show The Good Son which starts airing on September 25, the main cast of actors were asked to share what for them were their fondest memories with their dads. In the new series, Joshua Garcia, Jerome Ponce, Nash Aguas, and McCoy De Leon play brothers who all have a hidden side that have yet to be uncovered.

Nash Aguas


Kasi yung dad ko nasa States siya tapos separated din sila ni mommy. Kasi medyo matagal na rin kaya ang hirap para sa akin i-share. Ngayon madali na sa akin para sabihin kasi medyo matagal na and naging maayos na din kami. Siguro fondest memory ko yung time na pumunta siya dito tapos yung nagkabati kami this year lang. Actually thankful ako kasi nung wala siya, kinailangan ko mag-step up para maging tatay din dun sa kapatid ko at sa mommy ko.”

McCoy De Leon

Simple lang yung sa amin. Pagka may trabaho ako or taping ako, siya yung nag-da-drive sa akin. Yung mga simpleng ganun sa akin malaking bagay na yun. Kumbaga dun kami nagkakaroon ng kuwentuhan. Kasi pagka-taping alam natin buong araw yan kaya buong araw ko siya nakakasama. Kaya pagka ganun, yun na yung pinaka bonding namin ng daddy ko.”

Jerome Ponce

Yung fondest times na wala akong kaalam-alam sa buhay, sa lahat, sa negosyo, pagiging matalino, yung mga turo niya lahat. Yun lang and every time na binabalikan ko, every time na may mga na-e-encounter ako, sinasabi ko na totoo nga, tama yung mga turo ni papa dati na ganito, yung ‘huwag mo masyado basain yung katawan mo pagkatapos mo mag-computer, huwag ka makikipag-usap sa tao na ganito, pag ganito ka makipag-usap iisipin niyan ganyan, isipin mo lagi dapat bago ka umalis ng bahay, mag-iiwan ka ng pera hindi yung magdadala ka.’”

Joshua Garcia

Pinaka-meaningful lahat ng pinagdaanan ko nang hindi pa ako artista, lahat ng hirap. Kasi yung lahat ng sablay namin, fondest memories pa rin yun eh. Kasi dun sa maling yun natuto kami. Yung mga hirap na pinagdaanan namin and siyempre yung mga barkada moments namin, lahat. Kasi lumaki ako na sa papa lang ako eh so siya lang talaga yung kasama ko. Siya yung tumayong nanay ko at tatay ko. So lahat ng times na magkasama kami.”