Sam Mangubat shares life changes after joining TNT

Sam Mangubat’s dream is to collaborate with Yeng Constantino.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/17/2017 9:45 AM
Sam Mangubat shares life changes after joining TNT


 

Feeling blessed pa din ngayon ang Tawag ng Tanghalan first batch na grand finalist na si Sam Mangubat matapos niyang pumirma kamakailan ng recording contract sa Star Music kasabay nina Noven Belleza at Marielle Montellano.

Matapos ang kanyang naging laban sa Tawag ng Tanghalan, thankful pa din si Sam para sa tuloy na ang pagdating ng mga biyaya ngayon sa kanyang buhay.

"Sobrang laki ng pagbabago sa akin kasi noon sa harap lang ako ng sarili kong camera sa loob ng kuwarto ko, doon ako nag rerecord. Doon lang din ako nagpe-perform pero ng dahil sa Tawag ng Tanghalan nakakapag-perform na ako sa ibang panig ng Pilipinas na talagang pinagpapasalamat ko po," pahayag ni Sam.

Dahil isa ng ganap na recording artist, aminado ang singer na nais din niya na makasama ang kanyang mga iniidolong mang-aawit.

"Marami po pero sigurado po ako na isa po sa gusto ko talaga ma ka-collaborate is si Ms. Yeng Constantino. At ang sabi niya sa akin na ready na daw po yung song na ipinangako niya sa akin during our Tawag ng Tanghalan," sabi pa ni Sam.

 

⭐️ #yengster

A post shared by 💲🅰️Ⓜ️ Ⓜ️🅰️🆖⛎🅱️🅰️✝️ ⚜💎 (@sammangubat) on

Dahil produkto din ng Tawag ng Tanghalan, nagbigay ng tip din si Sam para sa mga kasalukuyang lumalaban sa kompetisyon na nais din maabot ang kanyang nararating ngayon.

"I think ang kailangan lang siguro talaga nila is yung determination na gusto nila manalo at huwag panghinaan ng loob sa kanilang nagiging laban."

Sa ngayon, isang single muna ang ikinakasa ng Star Music para kay Sam bago ang isang album kung saan nakatakdang mapabilang ang awitin na ginawa mismo ni Yeng.