• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano ayaw nagpa-pressure sa hiling ng ina na magkaroon na ng apo.

Luis Manzano masaya sa pagbalik game show hosting sa ‘I Can See Your Voice’

Luis Manzano ayaw nagpa-pressure sa hiling ng ina na magkaroon na ng apo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/17/2017 09:38 AM
Luis Manzano masaya sa pagbalik game show hosting sa ‘I Can See Your Voice’

 

All smiles si Luis Manzano sa kanyang pagbabalik game show sa naganap na unang patikim ng I Can See Your Voice.

Dito, solo ni Luis ang hosting ng local franchise ng Korean hit kung kaya aminado siya na challenging ito para sa kanya.


"Yung pressure nga sa akin as host kasi tatlo nga ang hosts sa Korea. Pero this time, ako nga lang ang gagawa ng trabaho ng tatlo pero so far so good naman and after seeing a few episodes magiging fan ka talaga ng show," pahayag ni Luis.

Ayon pa kay Luis, madaling mahalin ng tao ang bagong kapamilya show dahil sa hilig ng mga Pinoy ang pagkanta.

"We Filipinos we love singing shows. Kadikit na ng mga bituka natin ang mga singing shows kaya lahat ng singing shows number one parati sa ratings. Pero this time talagang hinahanap namin ang sintunado," sabi pa ni Luis.

Kahit muling abala ngayon sa kanyang trabaho, going strong pa din daw ang relasyon ni Luis sa aktres na si Jessy Mendiola.

Kuwento pa ni Luis na humihiling na ng apo ang kanyang ina na si Vilma Santos-Recto. Pero nais muna daw ni Luis na unahin muna ang kanilang mga pangarap.

"Hindi ako nape-pressure kasi ako gusto ko na rin naman. I'm hoping din naman sooner or later pero I have to give respect din sa timeline ng iyong partner," paliwanag pa ni Luis.

Hiling din muna ni Luis na maabot muna ni Jessy ang kanyang mga pangarap sa buhay bago pasukin ang usapin ng pagpapakasal.