• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam ipinaliwanag bakit kumuha siya ng ibang management agency. <p>Sa pagpirma ni Sam Concepcion bilang bagong Viva Artists Agency talent ay diretso naming sinabi ang matagal nang obserbasyon ng press

EXCLUSIVE: Sam Concepcion, insecure ba kina Darren Espanto at Inigo Pascual?

Sam ipinaliwanag bakit kumuha siya ng ibang management agency. <p>Sa pagpirma ni Sam Concepcion bilang bagong Viva Artists Agency talent ay diretso naming sinabi ang matagal nang obserbasyon ng press

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/18/2017 03:42 AM
EXCLUSIVE: Sam Concepcion, insecure ba kina Darren Espanto at Inigo Pascual?
Photo credits to @samuelmilby IG

 

Sa pagpirma ni Sam Concepcion bilang bagong Viva Artists Agency talent ay diretso naming sinabi ang matagal nang obserbasyon ng press tungkol sa kanya kung bakit hindi siya sumisikat nang todo hanggang ngayon.

Si Sam ay dating ka-batch ni Charice Pempengco, na ngayon ay si Jake Zyrus na, sa Little Big Star. Si Sam ang nag-champion sa show at third placer lang si Charice.


Aware ba siya na dahil sobrang class ng image niya kaya hindi siya maabot ng masa?

“Oo naman. Aware naman ako,” diretsong sagot niya sa PUSH.

“Siyempre, there’s nothing I want more than to be able to embrace them also, ‘di ba? But siyempre, connection is something that, as an artist, you always work on and at the same time still being true to yourself, who you are, good balance of both,” dagdag ni Sam.

Pero paano ba niya balak i-improve ang koneksyon niya sa fans?

Aniya, “Siyempre, hindi ko idi-disconnect yung sarili ko sa kanila. At the same time, to be an honest, true person, kesa I turn into myself into something else, kesa ibahin ko yung music ko and connect to them differently na hindi innate at natural.I think, at the end of the day if you’re true to yourself people are attracted to such things.”

Positive naman si Sam na thru Viva ay baka matulungan siya na maayos ang kanyang image.

“Yeah, I hope so.”

Itinanggi naman ni Sam na nai-insecure siya sa mga bagong artists ng ABS-CBN like Darren Espanto at Inigo Pascual na kasamahan niya rin sa ASAP.

“Siyempre, ASAP wants to support the new and upcoming artists and I’m all for that, they are talented kids – Darren and Inigo are talented guys.

“I don’t think we should see our peers and other artists as competition kasi they bring something else to the industry and I can’t say na we have to stop them from growing or anything like that.

“Darren is a great vocalist. Inigo has his own style, he’s great,” pahayag pa ng binata.

Ngayong nasa Viva na si Sam, mas magpo-focus daw muna siya sa singing at movies.

Lahad niya, “For a time in my career, lahat kasi parang pinagsasabay ko, mga iba’t ibang bagay. I was doing a teleserye, kasabay ng isang straight play, kasabay ng album, kasabay ng Your Face Sounds Familiar.

“Parang masyadong spread out yung efforts ko into different things – kasi gust kong gawing lahat, eh. So, ngayon I’ve been given a time to focus on certain things and certain period of time – working on a music and siguro sa movie.

“Mas may focus ngayon ang energy ko and merong better concentration kaya I’m very excited to be here,” huling pahayag ni Sam sa PUSH.