Vice Ganda remembers director Wenn Deramas on his birthday

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

09/16/2017 11:32 AM
Vice Ganda remembers director Wenn Deramas on his birthday

 

Isang taon na ang nakakalipas mula nang pumanaw ang beteranong director na si Wenn Deramas ngunit hindi pa rin siya nakakalimutan ng komedyanteng si Vice Ganda.

Sa kaarawan ni direk Wenn, inalala ni Vice ito at nagbigay ng mahabang mensahe sa Instagram.


“Kaya pala panay panay ang pangungulit mo sakin lately kasi Birthday mo ngayon. Ugaling ugali mo talaga yan. Yung pag birthday mo obligado ang lahat na magcelebrate kundi isusumpa mo. Heheheh!!! Namimiss kita. Araw araw. Naaalala kita. Araw araw. Pasensya ka na di muna kita masasamahan dyan ha. Dami ko pa assignment dito e. Tatapusin ko lng muna lahat tapos rampa na tayo dyan. Mahal na mahal kita! Noon hanggang ngayon. Walang patid. Walang katapusan. Happy Birthday Direk Wenn!”

 

 

Naging close ang dalawa dahil si Direk Wenn na rin ang dumirect sa lahat ng pelikula niyang tumatabo sa takilya na taon-taon kasali sa Metro Manila Film Festival.