Marian Rivera on daughter Zia: ‘Ayoko siyang mag-showbiz!’

Marian Rivera ibinahagi na humihingi na si Zia ng kapatid.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/16/2017 10:54 AM
Marian Rivera on daughter Zia: ‘Ayoko siyang mag-showbiz!’

 

Nakaw-eksena ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia nang umatend ang mag-asawa sa wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris kamakailan lang. Pero para kay Marian, okay lang na sa anak na nila napupunta ang atensyon ng mga tao ngayon.

“Okay lang, ganun talaga. Nakakatuwa nga kasi yung anak ko napaka-friendly, kaway nang kaway kung kani-kanino. Kumbaga, ‘Ay, hindi ako yan.’ In fairness sa anak ko, friendly,” nakangiti niyang simula sa PUSH.


Patuloy pa ni Marian, “Kay Dong niya namana yon (pagiging friendly), pero yung pagiging sweet sa akin yon. Hayaan n’yo na, para meron namang karakter na nakuha si Zia (sa tatay niya) kasi lahat na lang daw sa akin. Bigay n’yo na sa asawa ko yon,” biro pa niya.

Papayagan ba niyang pumasok sa showbiz ang anak?

“Ay, ayoko siyang mag-showbiz. Ayoko siyang mag-showbiz,” sagot agad niya.

“Ewan ko ba, nasa dugo yata namin kasi nanay at tatay niya parehong… Sobrang friendly talaga niya.

“Yung wave-wave, siya lang yon. Wave siya talaga kahit hindi niya kilala. Mahilig mag-ganun, friendly talaga,” kuwento pa niya.

Parehong busy ngayon sina Marian at Dingdong sa kani-kanyang showbiz commitments pero sinisigurado raw nila na nabibigyan pa rin ng tamang atensyon ang bata.

Aniya, “Si Dong talaga yung super busy talaga bilang may movie na siya at may soap. So, ako yung nag-a-adjust talaga. Eh, ang taping ko naman is MWF lang, so every other day andun naman ako para kay Zia.”

Inamin din ni Marian na humihirit na ng kapatid ang kanilang panganay.

“Hiling niya baby brother daw. Pero sabi ko naman sa GMA, tatapusin ko ‘to and after nito, malay mo… Kasi naman kahit gustuhin ko pero kung hindi pa naman ipagkaloob ng Panginoon wala akong magagawa. Pero wishing talaga kami na sana, of course,” lahad niya.

Pero si Dingdong, gustung-gusto na rin daw gumawa ng bagong baby.

“Hindi naman siya yung nagbubuntis. Ako ang nagdadala. Kaloka siya. Demanding. Huwag muna,” pabiro niyang talak sa asawa.

Samantala, nakausap ng PUSH si Marian sa presscon ng kanyang show na Super Ma’am.