• Home
  • Fresh Scoops
  • Claire Dela Fuente sinabing matagal ng tagsubaybay ni Empoy Marquez.

Claire Dela Fuente tuloy-tuloy na nga ba ang pag-produce ng pelikula?

Claire Dela Fuente sinabing matagal ng tagsubaybay ni Empoy Marquez.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/16/2017 11:29 AM
Claire Dela Fuente tuloy-tuloy na nga ba ang pag-produce ng pelikula?

 

From jukebox queen, isa na ngayong ganap na film producer ang kilalang singer na si Claire Dela Fuente. Ang una niyang big movie ay pagbibidahan ng bagong box office comedian na si Empoy Marquez na Ang Kuwento ni Money.

Ayon kay Claire, bago pa man ang success sa takilya ni Empoy sa pelikulang Kita Kita ay talagang isa na siya sa mga tagasubaybay ng komedyante.


 

"Matagal ko na siyang hinahangaan doon pa sa kabilang station. Then nakita ko siya one time before pa ang kanyang Kita Kita movie and inaya ko siya to do this dahil talagang naniniwala na ako sa kakayahan niya," ani pa ni Claire.

Kuwento pa ng bagong movie producer, ibang-iba ang Ang Kuwento ni Money sa naging papel ni Empoy noon sa Kita Kita.

 

"Sa Kita Kita lover boy siya doon. Dito sa Ang Kuwento ni Money, isa siyang taong may mataas na dignidad. Isa siya ditong barangay captain na tinitingala sa bayan niya kasi isa siyang honest na tao na gustong-gusto ng kanyang mga kababayan," sabi pa ni Claire.

Bilang producer naman, aminado si Claire na maituturing niya ang proyekto na ito with Empoy bilang kanyang first big movie project.

"Actually I'm an Independent film producer na talaga, siguro mayroon na akong mga six movies na nagawa and I sell it abroad and I sell it here sa mga schools. And ito talaga ang ating pinagkakaabalahan ngayon pero siguro masasabi ko ngayon na this is my major movie," saad pa ni Claire.

Hindi man gaano aktibo ngayon sa kanyang music, masaya naman daw ngayon si Claire sa kanyang munting paraan ng pagtulong sa movie industry.

"In a way yes kasi madami tayo natutulungan na magka trabaho, pero siguro kasi mas iba yung joy na ibinibigay sa ‘yo kapag may mga ganitong proyekto tayo na tulad nito," pahayag pa ni Claire.

Mapapanuod ang Ang Kuwento ni Money sa darating na October 25 na ire-release ng Star Cinema.