• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid, wala na daw mahihiling pa na materyal na bagay.

Ogie Alcasid, ibinahagi kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang 50th birthday

Ogie Alcasid, wala na daw mahihiling pa na materyal na bagay.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/15/2017 09:57 AM
Ogie Alcasid, ibinahagi kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang 50th birthday

 

Isa si Ogie Alcasid sa mga mapapanuod sa upcoming kapamilya game show na I Can See Your Voice

Sa panayam na ito kay Ogie sa naganap na set visit ng bagong programa, masayang naibahagi ng singer-songwriter ang kanyang naging dalawang malaking special celebration na ito sa kanyang buhay.


Una na dito ang naging bakasyon ng kanyang pamilya sa Paris na hindi umano makakalimutan ni Ogie.

 

#turista #versailles

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

 

 

Family pic at @theritzparis

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

"Yun yung dumating kami sa Paris, we had a quiet lunch, nice quiet dinner. Umakyat kami sa Eiffel tower on my birthday celebration with my family. That’s very, very special to me," kuwento ni Ogie.

 

#pahabol #shondaerfight

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Pangalawa dito ang ‘80s-themed party na naganap naman dito sa Pilipinas kung saan nakasama ni Ogie ang kanyang malalapit na kaibigan. Ayon pa kay Ogie, siya mismo ang nag-ayos at nag-organize ng kanyang sariling party.

"Yes! Ako lahat ang nag-prepare pati mga design and production design. Sa music naman si misis ang nag-assist pero ako pa din ang pinag-decide niya,” ani pa ni Ogie.

Ngayong 50 years old na si Ogie, wala na din daw siyang mahihiling pa na materyal na bagay.

"Sa amin kasi mahalaga yung cards, yung letters, flowers. Yun lang okay na kami. With regards to my Wish, continued good health for myself lang and for the whole family. Yun lang ganun ka-simple," pahayag pa ni Ogie.

Samantala, hindi din nagpahuli ang panganay na anak ni Ogie na si Leila Alcasid sa pagbibigay na espesyal na regalo para sa kanyang ama.

 

"It's like father and daughter cute bangle bracelet and I wrote him a letter," pahayag pa ni Leila.

Sa ngayon regular na napapanuod si Ogie bilang isa sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.