• Home
  • Fresh Scoops
  • Also, Joshua and Loisa gave different answers when asked if they’re still talking.

Loisa Andalio reacts on viral ASAP Chillout interview with Joshua Garcia and Julia Barretto

Also, Joshua and Loisa gave different answers when asked if they’re still talking.

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

09/15/2017 07:30 PM
Loisa Andalio reacts on viral ASAP Chillout interview with Joshua Garcia and Julia Barretto

 

Magkatrabahong muli ang ex-Pinoy Big Brother housemates na sina Joshua Garcia at Loisa Andalio sa upcoming teleserye na The Good Son.

Minsang na-link ang dalawa pagkatapos nilang lumabas ng PBB house. Kasalukuyan namang nanliligaw si Joshua sa kanyang onscreen partner na si Julia Barretto.


Nang tanungin sila ng ABS-CBN News (Nag-uusap ba kayo? Loisa, Joshua had different answers) kung nag-uusap pa sila, tila magkaiba ang naging sagot nila.

“Oo naman. Oo naman,” ang naging sagot ni Joshua at nilinaw na walang ilangan sa kanila.

Aniya naman ni Loisa, “Hindi naman po nag-uusap. Doon lang po kami sa eksena nag-uusap na. Pero okay po kami. Pero wala na lang po kaming dapat pag-usapan po.”

Samantala, nag-react din ang aktres sa trending na harapan nila kasama si Julia sa isang episode ng ASAP Chillout.

“Hindi po (ako naiilang). Kasi silang dalawa ni Julia, sanay na ako sa kanila na ganyan sila, na sweet. Siguro po nabigyan na lang ng meaning ng ibang tao kasi first time po nila kami nakita together on screen. Pero sa akin, wala po talaga,” ani Loisa.

Dagdag pa niya, nagulat na lang siya at binigyan ito ng ibang meaning.