Jerome Ponce reveals Elmo Magalona was supposed to play his role in “The Good Son”

BY
Joan Leary

FRESH SCOOPS

09/15/2017 08:31 PM
Jerome Ponce reveals Elmo Magalona was supposed to play his role in “The Good Son”

 

Balik-akting na muli si Jerome Ponce at bibida siya sa teleseryeng The Good Son. Pag-amin nito malaki ang pasasalamat niya at nakuha niya ang role at dumaan din ito sa audition.

"Taon na rin ang binilang ko dahil walang trabaho, puro guesting lang. I grabbed the opportunity at ako naman po ang napili,” kwento ni Jerome sa isang blogger’s conference.


(READ: Awkward? Jerome Ponce to work with ex Elisse in new series)

Si Elmo Magalona naman sana ang gaganap sa role na nakuha niya. Huling bumida sa teleserye si Jerome sa Be Careful with My Heart.

"Sumugal sa akin si Direk. Una, hindi niya ako kilala. Pero sumugal siya, kaya 'yon ang pinanghahawakan ko sa ngayon.”

Makakatrabaho din naman dito ni Jerome ang ex-girlfriend niyang si Elisse Joson na onscreen partner na ni McCoy de Leon. Naiilang ba siyang makatrabaho ang kanyang ex?

"Relax lang. Wala pa rin naman kami masyadong eksena at nakakapagkuwentuhan naman kapag magkakasama na kaming lahat. Magkaiba lang talaga ang tent namin."