• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerico Estregan di naman daw napi-pressure sa paggawa ng pelikula.

Jerico Estregan bibida sa action-horror film na ‘Amalanhig’

Jerico Estregan di naman daw napi-pressure sa paggawa ng pelikula.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/15/2017 11:44 AM
Jerico Estregan bibida sa action-horror film na ‘Amalanhig’

 

Bida na sa pelikula ang anak ni Laguna Governor ER Ejercito na si Jerico Estregan. Ilo-launch ang binata sa action-horror film na Amalanhig ng Viva Films.

Ayon sa binata, hindi siya nakakaramdam ng pressure kahit hindi kasama ang ama sa pinagbibidahang pelikula.


“Sa akin, hindi naman ako masyadong napi-pressure. More of excited kung anong magiging result ng movie namin. Kasi ano, I was ready naman beforehand. Before doing this, prinipare ko yung talent ko when it comes to this industry – yung acting, hosting, dancing and singing.

“Kaya pagdating sa ganito, no pressure, normal lang sa akin kasi napaghandaan ko na talaga through workshops and I have to be ready,” simulang pahayag ni Jerico sa PUSH.

Dahil first time sumabak ni Jerico sa action film kaya hindi raw naiwasan na

“Nakatulong sa akin yung pagiging atleta ko. Madali rin lang naman, hindi sagabal yung mga sugat-sugat kasi nga napunit yung pants ko dito, eh.

“No major accidents naman, sugat lang, malalaking sugat lang. Pero okey lang naman,” kuwento niyang natatawa.

Nang tanungin naman ng PUSH si Gov. ER kung pasado na ba sa kanya ang acting ng anak ay napatango agad ang actor-politician.

Aniya, “Puwede na siyang pakawalan. Madami na siyang pinagdaanang workshop, eh. Pero yung workshop dapat dire-diretso pa rin.”

Sinang-ayunan naman ito ng binata at sinabing, “Parang walang pinagkaiba iyan sa pag-aaral. Dapat kahit tapos ka na you will never stop studying and learning. Lalo na sa acting, I believe, continues learning process yan, eh.”

Kasama ni Jerico sa Amalanhig ang isang GMA artist na si Sanya Lopez na hindi pinayagan ng network na sumama sa presscon ng pelikula.

Sey ng ama ni Jerico na producer ng pelikula, “Baguhan pa lang si Sanya noon. Siguro nagkakapangalan na siya unti-unti kaya hindi na nila pinasama sa presscon. Pero mabait naman yung bata.”

Sa Amalanhig ay ginagampanan ni Jerico ang role ng isang medical student na nag-iimbestiga kung totoong merong mga amalanhig (half-human, half-creature) sa isang probinsya. The film is under the direction of Francis “Jun” Posadas at produced ng VicVal Blue Sapphire Production and Viva Films. Showing na ito ngayong September.