• Home
  • Fresh Scoops
  • After seven years with Star Magic, Sam Concepcion gets into a partnership with new management.

Sam Concepcion shares James Reid and Nadine Lustre are big influences in his recent career decision

After seven years with Star Magic, Sam Concepcion gets into a partnership with new management.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/14/2017 10:11 AM
Sam Concepcion shares James Reid and Nadine Lustre are big influences in his recent career decision

 

All smiles ang singer-actor na si Sam Concepcion sa kanyang pagpirma bilang isa sa mga bagong talents ng Viva Artist Agency.

Seven years din si Sam sa Star Magic bago niyang naiisipan na makipagtrabago sa Viva Artists Agency. Hangad lang daw ni Sam na mahubog pa lalo ang kanyang talento hindi lamang sa pag-awit kundi na din sa pag-arte.


"Madami pa siguro akong hindi nagagawa and marami pang challenge ang puwede ko i-take. Whether comedy, drama or action, I'm willing and ready to take all of those," sabi pa ni Sam.

Dahil isa si Sam sa kilalang malalapit kila James Reid at Nadine Lustre na mga prime stars ng Viva Artist Agency, aminado si Sam na malaking impluwensya ang mga ito sa kanyang naging desisyon.

"Actually lahat sila nakikita ko nagkakatrabaho, the whole friends group. And I think that will be easier for me especially I'm with them and Kiana (Valenciano, his girlfriend)," nakangiting pahayag ni Sam.

Ayon pa kay Sam lumipat man siya ng management team, nananatili pa din umano ang magandang relasyon niya sa kanyang Star Magic family.

"I'm very thankful naman sa kanila (Star Magic) and this doesn't close any doors naman," ani pa ni Sam.

Sa usapin naman ng kanyang love life, masayang-masaya din si Sam sa magandang takbo ng kanilang relasyon ni Kiana Valenciano.

"We’re good, we're very great. She's currently in Singapore with the music matters. We're doing really well when it comes to her music and I like that. That's one thing na we really agree on is we have chemistry together in music."

Thankful din si Sam para sa mga positibong bagay na kanyang naidudulot para kay Kiana.

Read: Kiana Valenciano says Sam Concepcion inspires her to be more confident in her music

"Wow! Ako din naman she inspires me a lot. She has a great voice and she is a great singer, great songwriter. I could not ask for more," pagtatapos na pahayag ni Sam.

Sa ngayon, isang movie project umano ang nakatakdang gawin ni Sam under Viva Films.