• Home
  • Fresh Scoops
  • Mother Lily Monteverde does not see new movie producers as competition.

Mother Lily Monteverde has a tip for celebrities turned movie producers

Mother Lily Monteverde does not see new movie producers as competition.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/14/2017 11:31 AM
Mother Lily Monteverde has a tip for celebrities turned movie producers

 

Isa ang veteran movie producer na si Mother Lily Monteverde ng Regal Films ang labis na natutuwa para sa patuloy na pag sigla ng pelikulang Pilipino.

Labis din ang kagalakan ni Mother Lily sa mga artista na sumusubok sa pag po-produce ng mga pelikula, gaya na lamang nina Gerald Anderson, Jake Cuenca, at Piolo Pascual.


Dahil dito, nagbigay ng mensahe si Mother Lily para sa mga baguhang celebrity movie producers.

"Welcome! Welcome to the industry, I really, really want you to produce more and more movies," sabi pa ni Mother Lily.

Ayon pa kay Mother Lily, hindi umano niya nakikitang kakompetensiya ang mga ito.

"Of course there's no such thing as competition to sino ang ang pinakamagaling doon. And for me, they have to learn."

Bilang beterana sa pagproduce ng pelikula, nagbigay ng tip si Mother Lily para sa mga nagnanais na mag-produce ng sariling pelikula.

"Just to be hands on. Magagaling sila. They're young and I'm sure they will make it," pagtatapos na pahayag ni Mother Lily.