Marco Gallo asks Kisses Delavin to be his date to the Star Magic Ball

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/14/2017 12:26 PM
Marco Gallo asks Kisses Delavin to be his date to the Star Magic Ball

 

Sa Tonight with Boy Abunda, tinanong ang tambalang KissMarc patungkol sa sinabi nila sa isa sa kanilang mga interviews na, “we had a bad beginning, but we will make a nice ending.”

Nang tanungin si Kisses kung “nalampasan mo na ba ang bubog ng bahay ni Kuya,” sinabi ni Kisses na “It’s 2017 and I’m so over it.”


Nang tanungin naman si Marco kung ano yung “nice ending” na tinutukoy niya, sagot niya ay, “sa totoo lang hindi ko alam pero nararamdaman ko na maganda yung ending namin.”

Dagdag pa ni Marco, “Ayaw ko magsabi ng something na hindi ako sure. So after every day, after every step ay so yun pala yung nagawa ko para sa kanya.”

Dahil rin sa nalalampit na Star Magic Ball, tinanong din ni Marco si Kisses on the spot kung pwede niya ito maging partner sa nasabing event. “Kung sakali, kung papayagan mo akong maging partner mo sa Star Magic Ball… ”

Sagot naman ni Kisses, “I just want to ask if he really wants me to. For me, there is no problem because if he wants me to then I will. But I want to make sure that he really wants me to because I don't want interfere or I don't want that it’s just imposed…”

Sagot naman agad ni Marco ay “yes,” at matapos mag-isip muli sinabi ni Kisses na, “then I will give him a chance.”