Janella Salvador ikinuwento kung paano muntik nang mabosohan sa syuting ng ‘My Fairy Tail Love Story’

Janella Salvador handa na bang gumawa ng kissing scene?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/14/2017 09:54 AM
Janella Salvador ikinuwento kung paano muntik nang mabosohan sa syuting ng ‘My Fairy Tail Love Story’

 

Nananatiling Regal Baby si Janella Salvador pagkatapos niyang pumirma ng panibagong movie contract sa kompanya nina Roselle at Mother Lily Monteverde nu’ng Martes, September 12.

Si Janella ang bida sa pelikulang Haunted Mansion ng Regal Entertainment na isa sa top grossing films ng 2015 Metro Manila Film Festival. Ayon sa dalaga, malaki ang utang na loob niya sa Regal kaya nananatili siyang loyal dito.


“Ever since I started, meron din akong non-exclusive contract both Regal and Star Cinema. Actually, I’m about to renew na rin my contract with Star Cinema,” kuwento ni Janella sa PUSH.

Huling pelikulang nagawa ni Janella sa Star Cinema ang Bloody Crayons kapartner si Elmo Magalona. Ang latest movie na tinatapos naman niya ngayon sa Regal ay ang My Fairy Tail Love Story kung saan kasama rin niya si Elmo.

Sa My Fairy Tail Love Story ay sirena ang role ni Janella. Gaano ba ka-sexy ang costume niya sa movie?

“From the start naman, minake sure namin na hindi siya maging too revealing because ayaw ko pa. I’m shy and the costume is actually really nice. I love the tail, na-enjoy ko talagang i-ganun (ilangoy) sa water,” happy niyang kuwento.

About the wardrobe malfunction, totoo bang muntik na siyang masilipan sa syuting ng pelikula?

Kuwento niya, “Hindi naman natuloy na makitaan ako, actually muntik lang. Kasi yung unang costume ko for the mermaid parang dinidikit lang yung silicon, yung pantaas. Using silicon kasi dinidikit lang siya. Meron siyang dinidikit dito (sa dibdib).

“And when they went underwater kasi, siyempre the water at yung halong pawis natanggal yung dikit niya. Pero before it fell off sinabihan ko na sila.”

Saan ba siya pinaka-nahirapan sa syuting ng My Fairy Tail Love Story?

“No, hindi ako nahirapan,” sagot agad niya. “It’s because na-enjoy ko talagang maging mermaid. Mas na-enjoy ko pa yung scenes ko sa ocean talaga. Hindi ako natakot. Mas natakot ako nung nagle-lesson (swimming) ako sa diving pool.

“Actually, ito yung pinakamahirap na part habang ginagawa ko ang movie is yung pag-uwi ko na kasi na-sunburn talaga ako nang sobra as in hindi ko magalaw yung face ko.

“Hindi ako makatawa nang maayos. Talagang nasunog ako. Yon yung pinakamahirap sa pinagdaanan ko.”

Eh, ano naman ang latest sa kanila ni Elmo?

“Same pa rin, we’re still enjoying our relationship sa work. Mas nagiging familiar kami sa isa’t isa every project. It’s a different experience talaga per project kasi natutulungan kami.

“We always make it a point na natutulungan namin ang isa’t isa pagdating sa work. Kailangang you’re good for each other that’s why it’s a partnership,” paliwanag ng dalaga.

Handa na ba siyang makipag-kissing scene kay Elmo o sa kahit sinong magiging leading man in the near future?

“Hindi pa talaga. I’m not yet ready to do a kissing scene. It’s not yet time,” pagtatapos niya sa PUSH.