• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao ibinahagi kung bakit tanggap na niya ang pagkakulong ng kanyang ama.

Alamin kung bakit ‘blessing’ para kay Marco Gumabao ang pagkakakulong ng amang si Dennis Roldan

Marco Gumabao ibinahagi kung bakit tanggap na niya ang pagkakulong ng kanyang ama.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/14/2017 11:42 AM
Alamin kung bakit ‘blessing’ para kay Marco Gumabao ang pagkakakulong ng amang si Dennis Roldan

 

Para kay Marco Gumabao na kapipirma lang ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) ay meron pa ring magandang naidulot sa pamilya nila ang pagsubok na pinagdadaanan hanggang ngayon ng tatay niya na dating actor at congressman na si Dennis Roldan.

Kasalukuyang nakakulong si Dennis at nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa kidnapping case ng isang Fil-Chinese boy noong 2005.


Kuwento ng binata, “Siyempre nakakagulat. Kasi nung first siyang makulong, I was 10, so I was still in school. So, hindi pa ako nag-take ng responsibility, kasi bata pa ako.

“Nung bumalik siya (sa kulungan) three years ago, I was twenty na. So, kumbaga, nag-iba na. Mas mature na ako. Mas open-minded na ako sa mga nangyari, so mas naging positive na ako.”

Ayon pa sa binata, nakatulong din ang mga pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya kung paano siya bilang actor ngayon.

“It pushed me to become a better person, a better actor. Naging seryoso na ako sa buhay at mas naging focused ako sa work,” sambit ng binata.

Ano bang lessons sa buhay ang natutunan niya sa mga nangyari?

“As a person, mas papalakasin ka talaga ng mga ganyang situation. Pero nung bata ako, kapag may nang-asar sa akin, inaaway ko agad. Kasi, siyempre defense mechanism yun ng lalaki, di ba.

“Ang dami talagang nang-aasar, kaya nga nag-aral ako ng martial arts para may defense ako sa sarili ko. Pero one thing naman sa nangyari, yung family talaga namin, solid ngayon,” pahayag pa niya.

Dugtong niya, “Kung siguro, kung nagtuluy-tuloy yung noon, who knows baka separated ang parents namin, di ba? Everyone knows naman before that my dad was chickboy, babaero. Kaya nga siya napasama sa kasong 'yan dahil sa kabit niya, di ba?”

Itinuturing din ni Marco na “blessing” sa pamilya niya ang nangyari sa kanilang tatay.

“Para sa akin, it actually became a blessing. Kasi, for other people, it would look devastating, kasi nga nakulong. Pero para sa family namin, nung nakulong siya, naging pastor siya, naging Born Again Christians kami, dun naging solid ang family namin,” rason pa niya.

Naikuwento rin ng actor na ang tatay niya ang dahilan kung bakit lumipat siya ng VAA kasama ng mga kapatid na sina Michele at Kat Gumabao.

“It was a family decision talaga. Yung dad ko ang nakipag-usap kay Boss Vic (del Rosario) at siya ang nag-ayos ng paglipat namin,” pahayag pa ni Marco.