Whatever happened to ‘90s action star Jethro Ramirez?

Jethro Ramirez wants to make a big screen comeback

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/12/2017 10:20 AM
Whatever happened to ‘90s action star Jethro Ramirez?
Photo credits to jethro_ramirez8

 

Nakausap natin ang ‘90s action star na si Jethro Ramirez at naibahagi niya na masaya siya sa nangyayari ngayon sa showbiz na muli nabubuhay ang hilig ng manonood sa action genre mapa telebisyon man o pelikula.

Thankful si Jethro na nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng top rating teleserye na FPJs Ang Probinsyano. Ngayon ay nakatutok siya sa kanyang personal na negosyo.


"My last project was FPJs Ang Probinsyano at ABS-CBN. Regarding sa action movies, maganda na bumalik at marami ang magkakatrabaho na taga-pelikula. I hope na mabigyan tayo uli ng chance makagawa ng lead action. Naka-apat na meeting na ako keay boss Vic (Del Rosario) ng Viva. I hope na makagawa action movie," sabi ni Jethro.

Kahit ano pa man ang maging source of income ni Jethro, iba pa rin daw ang pakiramdam kapag nasa harap siya ng camera at umaarte na maituturing nyang first love. Kaya naman hindi nawawala ang kanyang bucket list na makasama ang ilan sa idol niyang personalidad.

"At kung mabibigyan ako ng pag kakataon, gusto ko makasama sa action si Cesar Montano. Sa babae naman si Judy Ann Santos. Hindi matatawaran ang angking galing nila sa pag-arte. Na miss ko ang showbiz siguro nasa dugo ko na ito," kuwento ni Jethro.

Marami ang ‘di nakakaalam, child star si Jethro nang magsimula sa showbiz na naging maagang training ground sa kanya.

"I started when I was young. If you remember mga Ibong Pipit the movie I was one of the lead child star before known as Erwin Estrella. Mga movies before like Kapag Baboy Ang Inutang, Public Enemy No. 2, Banjo Laurel story. Commercials like Nissin biscuits, Anchor Cheesedale, Royal spaghetti… all lead. TV series Zarda like Darna. I played the role as Dan," kuwento pa ng aktor.

At nasubukan niya rin ang pag-arte sa entablado na maganda ang naging experience niya lalo na sa disiplina.

"I started as stage play actor at Starlight Cultural Foundation before I became professional stage actor at Villa Teatro. Siguro mga 30 ang nagawa kong movies o higit pa. Kahit anong gawin ko hinahanap ko pa rin ang maging manlalabas," pagtatapos ni Jethro.