• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy Marquez, inbinahagi ang dahilan kung bakit single pa din siya.

Sino nga ba ang TOTGA ni Empoy Marquez?

Empoy Marquez, inbinahagi ang dahilan kung bakit single pa din siya.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/12/2017 10:29 AM
Sino nga ba ang TOTGA ni Empoy Marquez?

 

Isa ngayon si Empoy Marquez sa mga in-demand na komedyante matapos ang naging tagumpay ng kanyang pinagbidahang pelikula na Kita Kita kung saan nakapareha niya si Alessandra De Rossi.

Dahil sa blockbuster hit na ito, nailuklok ngayon si Empoy bilang isa sa mga bagong henerasyon ng box office comedian.


Pinagpapala man ngayon pagdating sa kanyang mga natatanggap na mga proyekto, aminado si Empoy na single pa din siya ngayon.

Read: Is Empoy Marquez pressured to have another blockbuster movie?

Sa naging panayam na ito ng PUSH, naibahagi ni Empoy ang kanyang maituturing na The One That Got Away (TOTGA) at ang dahilan kung bakit single pa din siya hanggang ngayon.

"Wala na talaga e. Nasa Singapore na yung dati ko (girlfriend). Work work muna talaga ngayon at siguro darating din yung tama ng time para diyan," pahayag ni Empoy.

Ayon pa sa komedyante nagkahiwalay man sila nito, nanatili pa din naman ang kanilang magandang pagkakaibigan.

"May communication naman kami hanggang ngayon, sakto naman kami at may family na din siya and this Tuesday (September 12) pupunta ako doon (Singapore) kasi may work ako," sabi pa ni Empoy.

Wala man silang pagkakataon na magkita pa ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend sa Singapore, thankful pa din umano ang komedyante para sa magagandang buhay ang mayroon sila ngayon.