• Home
  • Fresh Scoops
  • The beauty queen has reportedly broken up with Matthieu Declercq, her boyfriend of 4 years.

Miss Universe Iris Mittenaere spotted kissing actor Kev Adams

The beauty queen has reportedly broken up with Matthieu Declercq, her boyfriend of 4 years.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/12/2017 04:29 PM
Miss Universe Iris Mittenaere spotted kissing actor Kev Adams
Photo credits to @melanie4_ IG

 

Nine months matapos niyang koronahan bilang 65th Miss Universe, maingay ngayon sa international media ang love life ni Miss France Iris Mittenaere. Spotted ang beauty queen na kahalikan ang 26-year-old French actor at producer na si Kev Adams.

Si Kev, ay sikat sa kanyang paganap sa French version ng Aladin at base sa reaction ng netizens, hindi itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon.


Sa ilang interviews sa French media, nabanggit ni Iris na naghiwalay sila ng kanyang boyfriend of 4-years na si Matthieu Declercq at single na siya since June. Kasama ni Miss France ang kanyang dentist boyfriend noong siya ay koronahan ni Pia Wurtzbach dito sa Pilipinas noong January. 

Blooming ngayon ang reigning Miss Universe na dulot ng kanyang bagong bonggang lovelife.

 

#IrisMittenaere et #KevAdams en couple : La photo du bisou qui confirme leur idylle !

A post shared by Public (@publicfr) on

 

Photo credit: relay.com