• Home
  • Fresh Scoops
  • Korte, hindi ibinasura ang mga kaso laban kay Deniece Cornejo at Cedric Lee

Korte, hindi ibinasura ang mga kaso laban kay Deniece Cornejo at Cedric Lee

Actor-host Vhong Navarro filed a case against Deniece Cornejo and Cedric Lee.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

9/11/2017 5:55 PM
Korte, hindi ibinasura ang mga kaso laban kay Deniece Cornejo at Cedric Lee


 

Hindi ibinasura ng lokal na korte ang kasong isinampa ni Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawa pa nilang kasama.

Nagsampa ng grave coercion charges ang It’s Showtime host laban sa kanila dahil na abuso di umano siya sa loob ng condominium unit ni Deniece. Sabi naman ng kampo nina Cedric, walang sapat na ebidensya si Vhong. Nakapagpakita naman si Vhong ng mga CCTV footages na nagpapakita kung bakit “physically impossible” raw na ma-rape si Deniece.

Ayon kay Metropolitan Trial Court of Taguig Branch 74 Judge Bernard Pineda Bernal na iniulat naman ng ABS-CBN News, "There is probable evidence to sustain their indictment for the crime charged.”

“Sa loob ng mahigit tatlo taon, hindi po bumitaw ang Department of Justice at ang mga state prosecutors, at hindi nagsawang bigyan ng kaukulang pansin at pagod ang kasong ito. Alam kong mahaba pa ang proseso pero nananalig ako na mayroong hustisya. Taos puso po ang aking pasasalamat sa DOJ sa pamumuno ni Secretary of Justice Vitaliano Aguirre,” ani Vhong sa statement na ipinadala niya sa kanyang abogado.

Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente.