• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin wows with her hugot lines during her guest appearance on Gandang Gabi Vice.

Kisses Delavin on what she hates in men: “Parang lottery; the more entries, the more chances of winning.”

Kisses Delavin wows with her hugot lines during her guest appearance on Gandang Gabi Vice.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

09/11/2017 03:47 PM
Kisses Delavin on what she hates in men: “Parang lottery; the more entries, the more chances of winning.”

 

Sa Gandang Gabi Vice, nagpakitang gilas si Kisses Delavin sa kanyang mga hugot and comeback lines nang siya ay mag-guest sa show kasama sina Marco Gallo, Edward Barber at Maymay Entrata.

Nang sinabi ni Marco na good boy siya ang sagot ni Kisses ay “Only time will tell.” Sinabi din niya na isa sa mga kinaiinis niya sa mga lalaki ay “Parang lottery, the more entries the more chances of winning.”


Paliwanag niya rito, “Marami pong pinapakitaan ng ganito ganyan. Akala mo ikaw lang
so feeling mo minsan papakitaan tayo ng something tapos mapi-feel natin na special tayo. Tapos maho-hopia tayo, tapos malalaman natin na marami pala tayong hopia.”

Ang kinaiinisan naman diumano ni Marco sa mga babae ay, “Maliliit na bagay pinalalaki,” saka, “lahat ng bagay kailangan may explanation.”

Sinagot naman ito ni Kisses ng, “I believe that the little things are the ones that matter. Kasi Ate Vice kung yung little things di mo papahalagahan, paano pa ‘yung big things. Papano pa yung big future ahead if ‘yung little things di mo kayang pahalagahan.”

Sa tanong naman ni Marco na, “Bakit ‘pag kami ang nagbibiro, sineseryoso niyo agad?” Ang sagot naman ni Kisses ay, “I believe na ang hindi mga pwedeng mabiro ay kung ano ‘yung nararamdamdan ng mga tao.”

Sa puntong ito medyo nag-break ang boses ni Kisses at nang tanungin ni Vice kung may personal siyang experience regarding this, yumakap si Kisses kay Vice Ganda.

Humingi naman si Marco ng “one more chance” dahil aniya, “Ang mga tao nagkakamali pero natututo so natuto ako. Na hindi binibiro yung mga bagay na seryoso.”  

Pagtatapos naman ni Kisses, “You don't deserve a love that comes back, you deserve a love that stays.”