• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng aktor sa kanyang social media post na wala naman siyang nakikitang isyu sa pag-alis niya sa bansa bukod sa kanyang tattoo na dragon.

Robin Padilla, inisyuhan ng hold departure order ng Bureau of Immigration

Sinabi ng aktor sa kanyang social media post na wala naman siyang nakikitang isyu sa pag-alis niya sa bansa bukod sa kanyang tattoo na dragon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/11/2017 03:37 AM
Robin Padilla, inisyuhan ng hold departure order ng Bureau of Immigration
Photo credits to marieltpadilla IG

 

Nag-post si Robin Padilla sa kanyang Instagram account (robinhoodpadilla) ng sentemyento sa hindi pagpayag ng Bureau of Immigration na umalis siya ng bansa. Ayon sa aktor, nagbigay ng hold departure order sa kanya ang BI kaya hindi matutuloy ang paglipad sana niya papuntang China.

Post ni Robin, “Isa na namang dagok ang bumalot sa isang makasaysayang ganap na makapagbibigay sana ng mas kamulatan sa aking pag aaral ng kasaysayan ng Inangbayan bago dumating ang mga mananakop na mga puti mula sa Europa.


“Ako’y pinalad na maimbita ng mahal na prinsesa ng Sultanate of Sulu para tumungo sa China at masaksihan ang magaganap na pagdiriwang ng napakatandang relasyon ng malakas na bansang Tsino/China at ng Sultanate of Sulu... sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa Bureau of Immigration.

“Napakagulo ng naganap na ito sapagkat noong ako’y (bigyan) ng conditional pardon lamang, kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag-alis ng Inangbayan pero ngayon na Absolute Pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI.

READ: Robin Padilla cried after receiving pardon from Pres. Rodrigo Duterte

“Wala naman ako bagong kaso sa kahit saan na korte, wala akong makitang dahilan maliban sa TATTOO ko na dragon...baka pati ako ay TRIAD na rin… naku po naman baka ipatawag pa ako ng senado abay hindi ko kayo tatanggihan game ako dyan ....nakapanghihina naman po ang binabayaran kong malaking tax kung palagi akong kasama sa usual suspect.

“Binigyan na po ako ng isang pagkakataon ng Pangulo Rodrigo Duterte, sana po ay pati ang mga nasa ilalim na sangay ng gobyerno ay bigyan din ako ng pagkakataon.

“Matanda na rin po ako ang mga ganitong legal stress ay damage na po ang binibigay hindi na po thrill... sumaatin nawa ang kapayapaan. Amen.”

Kasama sa pag-post ni Robin ng hinaing niya sa Bureau of Immigration ang picture ng kanyang binti na may tattoo ng dragon.