• Home
  • Fresh Scoops
  • The comedian has projects lined up after the blockbuster hit “Kita Kita.”

Is Empoy Marquez pressured to have another blockbuster movie?

The comedian has projects lined up after the blockbuster hit “Kita Kita.”

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/11/2017 03:46 AM
Is Empoy Marquez pressured to have another blockbuster movie?

 

Masayang masaya ngayon ang new box office comedian na si Empoy Marquez dahil sa sunod-sunod na blessings na kanyang tinatamasa ngayon.

Matapos kasi ng hit movie niya with Alessandra De Rosi na Kita Kita, isa muling pelikula ang nakatakdang gawin ni Empoy sa tulong ng singer at ngayon ay movie producer na si Claire Dela Fuente at ng Star Cinema na may working title na Ang Kuwento ni Money.


 

"Yes Ang Kuwento ni Money po, bale hango po ito and base sa history ng peso natin at gabay sa pag papahalaga po ng pera natin," kuwento ni Empoy tungkol sa kanyang bagong movie.

Aminado si Empoy na hindi niya inaakala na dadami ang mga proyektong gagawin niya matapos ang Kita Kita.

"Sobrang blessed po ni God, sa lahat ng natatanggap at natatamasa ko ngayon, thank you po sa nangyayari sa akin," sabi pa ng komedyante.

 

Dahil sa box office hit ang Kita Kita, may pressure nga ba sa kanya na matumbasan ito ng kanyang mga susunod na proyekto?

"Wala naman po siguro. Kasi it's different po, ito from Kita Kita, kasi love story po yun eh. Ito naman po about sa history ng Pilipinas (laughs), kaya medyo malayo ito sa Kita Kita," paliwanag pa ni Empoy.

Sa kabilang banda, naikwento din ni Empoy na thankful din siya na hindi pa niya nagagalaw ang kinita niya sa pelikula. Aniya, priority muna niya na pagtuunan ng pansin ang pag-iipon.

"Sa ngayon po talagang ipon po muna at sa ngayon wala pa po talaga akong nagagawa sa mga (kinita). Kung anong meron ako ngayon, impok muna tapos para sa family tapos God tapos family," saad pa ni Empoy.

Bukod sa Ang Kuwento ni Money, isa ding teleserye ang nakatakdang gawin ni Empoy kung saan makakasama niya si Piolo Pascual.