• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Roxanne ang challenges bilang isang movie producer.

EXCLUSIVE: Roxanne Barcelo, pinapangarap ipag-produce ng action film si Maja Salvador

Ibinahagi ni Roxanne ang challenges bilang isang movie producer.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/11/2017 03:27 AM
EXCLUSIVE:  Roxanne Barcelo, pinapangarap ipag-produce ng action film si Maja Salvador
Photo credits to roxannebarcelo IG

 

First time co-producer ang magkasintahang Roxanne Barcelo at Will Devaughn ng pelikulang I Found My Heart In Santa Fe, kung saan sila rin ang bida. Nakipag-co-produce sina Roxanne sa Bluart Productions nina Lyn at Direk Bona Fajardo.

After the advance screening of I Found My Heart In Santa Fe na ginanap sa SM The Block, kaagad kinuha ng PUSH ang reaksyon ni Roxanne on how to produce a film.


Pero ibang klase din yung fulfillment niya. Kasi we’re so attached to the film, parang baby namin at gusto namin na maitawid nang maayos at maibigay yung the best na puwede naming ibigay.”

Saan ba siya mas nai-stress ngayon – sa pag-arte o bilang producer?

“Parang magkaiba sila ng stress levels kasi… depende sa role mo at saka depende kung paano ka makisama sa ibang tao. So, I think everything is based on relationship.

“With acting, it’s based on your relationship with your director and your co-actor, and the staff of course. As a producer naman, it’s the same din halos – your relationship with your director, actors, your staff but also with clients – na hindi ko na-experience before. And also the whole production itself, nakikisama ka sa lahat.

“Exciting siya para sa mga taong mahilig sa flavor sa buhay, ako, nagagamit ko yung pagkatsikadora ko. Napi-feel ko rin kung gaano kahirap hawakan ang pera at yung decision making, sobrang importante pala talaga,” tuluy-tuloy na kuwento ni Roxanne sa PUSH.

Kahit nangangapa sa simula ay balak pa rin nina Roxanne at Will na mag-produce pa ng isang indie film next year.

“Yeah, go ako diyan. I want to produce again. Empowering siya para sa isang artista kasi puwede kang gumawa ng mga projects na talagang malapit sa puso mo. Hindi ka na rin maghihintay para yung ibang tao maniwala sa yo,” sambit pa ng aktres.

Eh, sinu-sino ba ang mga artista na gusto niyang i-produce ng pelikula in the future?

“I think given na yung mga Jaclyn Jose. It’s such a big step to producer for her. Si Mylene Dizon, actually gusto ko siyang i-produce ng pelikula kasi napakahusay niyang aktres.

“At saka siyempre si Maja Salvador na kasamahan ko sa Wildflower. Kasi magaling siyang artista, lalo na ngayon na parang nag-iiba yung expectations ng tao sa kanya, actually malaki ang expectations sa kanya and I believe na she would be able to give more justice sa roles that are more challenging. Alam kong kaya niya.

“If I were a producer and I will be given a chance to producer for her, I would love to give her a role na action-packed. Yung talagang would showcase her fierceness as a woman,” pagtatapos ni Roxanne sa PUSH.

Showing ang I Found My Heart In Santa Fe simula Sept. 16 sa mga SM Cinemas bilang bahagi ng CineLokal.