• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes at Ali Khatibi, magkaiba ang pananaw sa posibleng pagsasama sa isang proyekto.

Ali Khatibi at Cristine Reyes, pabor bang magkatrabaho sa isang proyekto?

Cristine Reyes at Ali Khatibi, magkaiba ang pananaw sa posibleng pagsasama sa isang proyekto.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/10/2017 03:37 PM
Ali Khatibi at Cristine Reyes, pabor bang magkatrabaho sa isang proyekto?

 

Masayang humarap sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa entertainment press para sa kanilang unang endorsement as a family bilang mga bagong brand ambassadors ng Simply Shoes ng SM Supermalls. Kasama nila ang kanilang daughter na si Amarah na sumabak na din sa kanyang unang endorsement.

Ayon kay Cristine, may mga offer na din daw sa showbiz ang kanilang unica ija sa kanyang edad.

"Yes pero she's too young. Pero depends sa offer naman yun eh. Nag da-dance ito sa bahay, nag-singing din eh. Pero I don’t know with her," ani pa ni Cristine.

Abala din ngayon ang mag-asawa sa kani-kanilang mga proyekto, gaya ng family movie ni Cristine sa Star Cinema kung saan makakasama niya si Aga Muhlach, Dingdong Dantes at Enrique Gil.

Kuwento ni Cristine, abala man sila ngayon sinisigurado pa din umano nila ang pagiging hands-on sa pag-aalaga sa kanilang anak.

"My schedule right now is everyday so when I don't have work like pack-up ang shoot talagang nag-spend ako ng time with them, with Ali and Amarah," saad ni Cristine.

Si Ali naman na unang nakilala sa mixed martial arts aminadong nagugustuhan na din ang pag-aartista. Napapanuod siya ngayon sa top-rating teleserye na La Luna Sangre.

"I'm really enjoying it. I'm learning the craft–the whole art of acting–and it’s fun. Nakakapagod din siya, nakakapuyat. Sabi ko nga parang bampira. Talaga walang tulugan," pahayag pa ni Ali.

Pabor din kaya sila kung sakaling magkakatrabaho sila sa isang proyekto?

"Ako, I'd like to work with my wife. Feeling ko I’ll learn from her," sabi pa ni Ali.

Pero iba naman ang pananaw ni Cristine.

"Ako naman feeling ko ma-o-awkward ako. Kasi parang ‘di ako sanay aarte ako sa harap niya, ‘di ba?” ang natatawa niyang pahayag.

Gusto na din daw ni Cristine na masundan si Amarah pero mas gusto daw muna ni Ali na i-enjoy muna nila ang paglaki ng kanilang panganay.