• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay ng reaction din si KC Concepcion sa Instagram post tungkol sa kanyang mga magulang.

Sharon Cuneta-Gabby Concepcion fans kinilig sa Instagram post ng Megastar

Nagbigay ng reaction din si KC Concepcion sa Instagram post tungkol sa kanyang mga magulang.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/01/2017 09:56 AM
Sharon Cuneta-Gabby Concepcion fans kinilig sa Instagram post ng Megastar
Photo credits to @reallysharoncuneta IG

 

Tila isang mas mabuting pagkakaibigan ang namamagitan ngayon kina former couple Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa isang Instagram post ni Sharon, pinasalamatan niya ang dating kapareha sa pag papabigay nito ng durian sa pamamagitan ng kanilang common friend na si Ara Mina.


Dahil dito, tila ilan sa mga Sharon-Gabby fans ang kinilig dito. Pati ang kanilang anak na si KC Concepcion ay nagbigay ng reaction sa Instagram post.

Sa kanilang naging usapan ni Sharon at KC sa Instagram, may ilang netizen ang pumuna sa naging komento ni Megastar.

Dahil dito, hindi nakapagtimpi si Sharon na sagutin ito.

Ganun pa man, mas pinili na lang ni Megastar na pasalamatan ang kanilang mga fans.

Matatandaan na isa sana sa plano ng Star Cinema ang reunion movie ng Sharon-Gabby love team ngunit hindi na ito natuloy dahil sa conflicting schedules.

Huling nagsama si Sharon at Gabby sa pelikulang Tayong Dalawa noong 1992.