• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Anne Curtis, Angel Locsin are up for the PUSH Female Celenbrity award.

PUSH FEMALE CELEBRITY: Who will be your choice this 2017?

Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Anne Curtis, Angel Locsin are up for the PUSH Female Celenbrity award.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/01/2017 12:52 PM
PUSH FEMALE CELEBRITY: Who will be your choice this 2017?

 

Sa ikatlong taon ng PUSH Awards, nominado sa PUSH Female Celebrity category sina Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Anne Curtis, at Angel Locsin. Kilalanin natin sila.

Nadine Lustre


Nagsimula bilang isang vocalist ng all-female group na Pop Girls si Nadine. Mas lalo pang nakilala siya sa kanyang mga pelikulang pinagbidahan kasama ang kanyang special someone na si James Reid na Diary Ng Panget, Talk Balk And You're Dead, Para sa Hopeless Romantic at ang This Time.

Nagpakilig din ang JaDine sa mga kilig teleserye na On The Wings Of Love atTill I Met You na napanuod sa kapamilya network.

Pumatok din sa kanyang mga tagahanga ang kanyang self titled album noong 2014 na Nadine Lustre.

Kathryn Bernardo

Isa din sa nominado ngayong taon si Kathryn Bernardo na unang nakilala bilang isa sa mga original member ng kiddie gag show na Goin Bulilit. Nasundan ito ng iba't ibang show tulad ng Super Inggo, Magkaribal at Krystala.

Mas nag ningning pa ang career ni Kathryn nang ipinakilala siya bilang si Mara sa remake ng teleserye na Mara Clara kung saan nakasama niya si Julia Montes bilang si Clara.

Lalo pang mas napalapit si Kathryn sa masa nang mabuo ang tambalan nila ni Daniel Padilla sa Growing Up na nasundan ng Princess And I, Got To Believe, Pangako Sa 'Yo at ang top rating teleserye ngayon na La Luna Sangre.

Marami na din na blockbuster movies ang nagawa ni Kathryn, gaya ng Must Be Love, She's Dating The Gangster, Crazy Beautiful You, Barcelona A Love Untold at Can't Help Falling In Love. Dahil patol ang mga ito sa takilya, tinagurian si Kathryn bilang bagong Box office Queen.

Nagpamalas din si Kathryn ng kanyang hilig sa pag-awit at naglabas ng album na Kathryn kung saan ni-revive niya ang classic hit na “Mr DJ” ni Megastar Sharon Cuneta.

Liza Soberano

Kabilang din sa nominado ngayong taon si Liza Soberano na nakilala at minahal ng kanyang ng mga tagahanga sa kanyang mga pinagbidahan pelikula kasama ang kanyang on screen partner na si Enrique Gil gaya ng Everyday I Love You, Just The Way You Are at My Ex And Whys na certified blockbusters.

Bukod sa kilig sa pelikula, nagpakilig din sina Liza at Enrique sa teleserye na Forevermore na sinundan pa ng Dolce Amore.

Ngayong taon, isa din si Liza sa mga most talked about artist dahil sa inaabangan na kanyang pag ganap sa Darna movie.

Anne Curtis

Pasok din bilang nominado si Anne Curtis na nagsimula sa ilang tatak na kapamilya shows gaya ng Hiram, Maging Sino Ka Man, Kampanerang Kuba, Dyesebel at Diyosa.

Markado din ang kanyang pag ganap sa mga blockbuster movies gaya ng Babe I Love You, A Secret Affair at ang award-winning movie na No Other Woman.

Dahil sa kanyang pagiging kuwela, minahal at napalapit si Anne sa masa. Isa si Anne sa mga mainstay host ng noontime show na It's Showtime.

Angel Locsin

Hindi din papahuli ang kapamilya actress na si Angel Locsin na gumawa ng mga teleseryeng patok na patok tulad ng Lobo, Imortal at The Legal Wife.

Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, markado din si Angel sa kanyang mga naging karakter mula sa In The Name Of Love, Unofficially Yours, One More Try, Third Party at Everything About Her.

Bukod sa pagiging aktres, kilala din si Angel bilang aktibo sa pagtulong sa iba't ibang charity organization.

Sino ang itatanghal bilang PUSH FEMALE CELEBRITY ngayong taon?

To vote for your favorite artist visit http://pushawards.abs-cbn.com and see more of the Kapamilya celebs that you love. Voting until September 24, 2017 and catch PUSH Awards 2017 at ASAP Chillout on October 15, 2017.