• Home
  • Fresh Scoops
  • Jameson Blake mas gusto ang independent at mature relationship.

EXCLUSIVE: Jameson Blake, ayaw ng mga monthsary-monthsary at clingy type of girls

Jameson Blake mas gusto ang independent at mature relationship.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/01/2017 10:05 AM
EXCLUSIVE: Jameson Blake, ayaw ng mga monthsary-monthsary at clingy type of girls

 

Naging masyadong personal ang interbyu namin kay Jameson Blake na napunta sa kung ano ang ayaw at gusto niya sa susunod na girl na makakarelasyon.

Naibahagi rin ng Hashtag member kung bakit hindi siya naniniwala sa mga monthsary-monthsary at kung bakit ayaw niya ng mga clingy girls.


“I like to take things easy if I like a girl. Sometimes I fall in love easily may times na like that. When I see a girl na I’m attracted to, I would like to get to know her.

“But when I sense na she doesn’t like me, I wouldn’t go through with her anymore, I don’t want to feel like that,” simulang kuwento ni Jameson sa PUSH kung paano siya nagsisimulang magkagusto sa isang babae.

Naniniwala ba siya sa love at first sight?

“When you say it’s love at first sight parang it’s the looks of the girl, di ba? And when you got to know her, that’s when it fulfills the attraction, parang ganun.

“Of course, I’d rather like to have a girl na more on the personality compared sa looks. I meet different kind of girls but then it’s really hard to choose what kind of girl that you’d like to be with not for like a lifetime pero or a matter of time, parang ganun,” sagot ng binata.

Ayaw din daw niya sa girl na gugustuhin lang siya kasi artista siya o Hashtag member.

Aniya, “I wouldn’t want to go with a girl na just wanted to go with me porket artista ako. Of course, I’d like to know the girl, I’d like to take my time, I don’t rush things.”

Hangga’t maaari, gusto raw muna niyang kaibiganin ito.

“I believe na when you rush things or when you take things fast, the relationship goes fast or ends fast, something like that,” rason niya.

Patuloy ni Jameson,“Ganun talaga ako, eh. I’d like to know the girl, I really like to know how she acts sa iba-ibang situations, paano siya magalit, paano siya with her friends and her family, ganu’n. Siyempre para prepared ka if naging kayo na di ba?”

Naku, dapat aware din ang girls na hindi type ni Jameson ang mga clingy.

“I don’t like a super-clingy girl. I’m just not in favor of that,” sey pa niya.

Dagdag ng binata, “I want us to be independent–I have my boy time, she has her girl time. Basta yung independent kind of relationship, yung mature na.

“I’m not saying na clingy is not mature pero this is how I like it. I just don’t like yung super-clingy yung girl na every time or everyday gusto kang kasama. Siyempre kailangan may time for yourself, maging independent.”

Eh, how about celebrating monthsaries?

“Minsan yung iba parang medyo cheesy, medyo corny. Like yung monthsaries, mga ganun. Parang medyo corny para sa akin.

“You don’t have to make it na parang cheesy, corny or everything. You can be sweet but then romantic. I like the passion, ganun.

“Di ba, dito sa Philippines uso talaga yung mga monthsaries pero hindi ako pabor don. Gusto ko anniversary lang, yung once a year pero very special. Kasi ano yung point ng monthsary?

“Is it are you trying to show na, ‘Okey, we’ve been together for six months na, matagal na.’ Is it like a goal to be the longest, trying to see how long tatagal yung relationship n’yo?’

“What values is how you love the girl or how the love values in the relationship or how you guys feel about each other. It doesn’t really value kung gaano katagal kayo nag-stay together,” pagtatapos ni Jameson sa PUSH na aminadong isang taon nang walang girlfriend.