• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagkatapos ng walong taong pagigiging single, may love life na ngayon si Arjo Atayde.

EXCLUSIVE: Arjo Atayde umaming may love life na siya ngayon

Pagkatapos ng walong taong pagigiging single, may love life na ngayon si Arjo Atayde.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/01/2017 10:12 AM
EXCLUSIVE: Arjo Atayde umaming may love life na siya ngayon
Photo credits to arjoatayde IG

 

Inamin sa PUSH ni Arjo Atayde bago ang contract renewal niya bilang celebrity endorser ng Hammerhead clothing line na may nagpapasaya sa buhay niya ngayon bukod sa bagong teleseryeng gagawin at sa pagiging famous ng character niyang si Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

May love life na si Arjo. Kaya lang, matipid siyang ikuwento ang detalye tungkol dito.


“I don’t want to go further into details. I want to keep everything as private as possible but I’m happy. I’m happy now, that’s all I can say,” simula niyang pahayag sa PUSH.

Gusto lang daw niyang proteksyonan kung ano man ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.

“I don’t want anything out in public as much as possible. But for now I’m happy, I’m really happy. Basta po masaya ako, yon lang,” sabay tawa niya.

So, hindi na ba “it’s complicated” or “single” ang status niya ngayon sa Facebook kundi “in a relationship” na?

“Maybe. Hahaha!”

Ilang years ba siyang loveless?

“Five years… five years na.”

Bakit ang tagal bago ulit siya nagkaroon ng girlfriend?

Aniya, “It’s a very very long explanation and it’s very personal. Siguro, I came from a really long relationship, maybe that’s why.

“Seven or eight years yung last ko and it’s really long, so ayokong…  I just don’t want to jump into another one during that time.”

Ayon pa kay Arjo, hindi niya rin inakala na taga-showbiz na si GirlTrend member Sammie Rimando ang magiging karelasyon niya.

“Actually, hindi ko po (plinano),” pag-amin niya.

“Honestly speaking, I didn’t want anyone to be in a relationship na taga-showbiz, that was my idea. But then, it landed to that which is funny. Hahaha!”

Eh, bakit nga ba gustong gawing private ni Arjo ang current relationship niya?

“I think it’s just more of privacy, besides the word privacy it’s more of like yung… paano ko ba sasabihin, it’s so hard to explain. Honestly speaking, it’s super hard to explain on why I want to keep it private.

“But I’m happy that way. Walang nakikialam. Walang social media that bothers you, that gives their opinion since us Filipinos are very opinionated. Yon lang, I just want to keep it private because I’m happy that way,” katwiran pa niya.

Patuloy pa ni Arjo, “And the way we’ve been doing it is very private as well. So, walang nakikialam… you know what I mean?

“Not naman nagpapaka-mysterious or anything, it’s just that I don’t want to speak about it,” diin pa ng aktor.

Hindi rin nila ipino-post ng GF niya ang mga personal nilang ginagawa.

“I don’t post anything lalo na yung personal and mga pictures.

“I don’t know, but we had a talk about it, and both agreed… it’s a mutual decision, eh. Na to keep it private, then work on our own careers, we’re both career-driven,” sey pa niya.

Hindi rin naniniwala si Arjo sa kasabihan sa showbiz na kapag bongga ang love life ay nagsa-suffer ang career.

“No, it’s not true. I don’t believe in that. That’s kalokohan,” sambit niya.

“If you say na magsa-suffer ang career that’s only your decision. Those are your choices, eh. So if you make the right choice and if you think you’re on the right state of mind to actually be in a relationship at a state of your career, then go do it, no one’s going to stop you, di ba?” pagtatapos ni Arjo sa PUSH.