Fresh from Turkey, present ang kapamilya star na si Elisse Joson sa media launch ng Torque mobile phones kung saan siya ang endorser. Bakas ang masasayang ngiti ni Elisse nang ibahagi niya ang kanilang memorable experience sa Turkey para sa pictorial ng isang fashion magazine.
"Sobrang unforgettable po yun kasi first time po namin (sila ni McCoy De Leon) magkasama na out of the country na work pero at the same time sobrang enjoy po ng experience namin sa Turkey," panimula ni Elisse.
Dahil first trip ni Elisse at McCoy together, aminado ang dalaga na mas nakapag-bonding pa sila ng on screen tandem.
"Yes parang ganun, kasi nagkaroon kami ng time off from work, kasi dito sa Pilipinas everyday may trabaho and hindi po kami nakakapagkita. Doon po parang naisingit na po nag pahinga at nakapag-bonding," saad pa ni Elisse.
Bago pa man tumulak papuntang Turkey, naging viral ang paghingi ng pahintulot ni McCoy sa magulang ni Elisse tungkol sa gagawin nitong panliligaw sa dalaga.
Ayon kay Elisse, impressed siya sa ginawang pagpapaalam ni McCoy sa kanyang mga magulang.
"Sa akin sobrang natutuwa ako dahil ginawa niya yun at hindi nalang basta-basta nag-go. Kumbaga yun nga po may pahintulot talaga ng magulang kaya for me talagang napa bilib ako sa ginawa niya," ani pa ni Elisse.
Ayon kay Elisse, natuwa din ang kanyang mommy sa ginawang move na ito ni McCoy.
"Ang mom ko po palagi po siya nagpapayo sa akin na, 'o kayo i-enjoy niyo lang muna yung ngayon kung anong meron kayo. Dahan-dahan.' Yun po ang lagi niyang paalala sa amin. Kami naman po ni McCoy tina-take namin yun as good advice po," pahayag pa ni Elisse.
Sa ngayon. abala ang McLisse tandem sa shooting ng upcoming movie ng Ang Panday at isang teleserye sa ABS-CBN.