Excited na ibinalita ng The Voice Philippines coach na si Lea Salonga na babalik siya pagtatanghal sa Broadway at gaganap bilang Erzulie, goddess of love, sa “Once on This Island.”
“I have been keeping this for months! So excited to be returning to Broadway this fall in one of my favorite shows!” ani Lea.
Ayon sa Broadway World,(Breaking: Lea Salonga, Merle Dandridge, Quentin Earl Darrington & Alex Newell Join ONCE ON THIS ISLAND) tungkol ito sa isang mahirap na dalaga na mapapa-ibig sa isang mayamang binata na nakatira sa kabilang dako ng isla.
Ididirehe ito ni Michael Arden at nakatakdang ipalabas sa Disyembre.