• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Perci Intalan bilib sa pagiging professional ni Janella Salvador sa ‘My Fairy Tail Love Story’

EXCLUSIVE: Takip sa dibdib ni Janella Salvador, aksidenteng natanggal ayon kay Direk Perci Intalan

Direk Perci Intalan bilib sa pagiging professional ni Janella Salvador sa ‘My Fairy Tail Love Story’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/09/2017 09:35 AM
EXCLUSIVE: Takip sa dibdib ni Janella Salvador, aksidenteng natanggal ayon kay Direk Perci Intalan

 

Hindi na rin kinailangang mag-adjust pa ni Direk Perci Intalan bilang bagong director ng pelikulang My Fairy Tail Love Story na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona na sinimulang gawin ni Direk Jun Lana.

“Nando’n kasi ako nung shoot niya (Direk Jun) sa Zambales so familiar ako sa mga nakunan. And then, nung nag-decide na iha-hand over sa akin ni-review ko lang yung material, pero magagamit ko pa rin yung material niya definitely. Yung sa kanya kasi mostly beach at sa konting underwater,” kuwento sa PUSH ni Direk Perci.


Eh, kumusta naman ang working experience niya kina Janella at Elmo?

“In fairness kay Janella at saka kay Elmo, masipag sila, eh. Pag sinabi mong may training, magte-train talaga sila. Wala naman kaming nararanasan na kiyeme.

“Ang hirap lang talaga ng schedule kasi may Bloody Crayons sila dati, di ba? Pero once na nandiyan sila, wala akong naranasang problema,” kuwento niya.

Puring-puri rin ng director ang working attitude ni Janella sa syuting lalo na kapag nakasuot na itong mermaid outfit.

“Alam mo wala siyang arte. Kami pa yung nagsasabi sa kanya na, ‘O, balik nyo muna si Janella sa bangka,’ otherwise, lumulutang-lutang lang siya sa tubig.

“Pero the whole time, lumulutang-lutang lang siya, gusto niyang andon lang siya sa tubig. Pagkatapos pag kailangan na, bibigyan siya ng goggles, sisilipin lang niya kung nasaan yung kamera, tapos pag sigaw ng action, dive na kaagad siya.”

May time din daw na sa sobrang lakas ng current ay nahahatak sila.

“Si Janella, minsan talaga pag tingin niya hindi niya mahanap yung kamera. Minsan pag baba niya, hindi na niya makita kung nasaan yung kamera. Kaya bilib nga ako sa commitment niya.

“Bilib din ako sa stamina ng artista ko. Wala talaga silang pagod, pero alam mong pagod na pagod sila. Tsaka pagbalik sa resort, tulog kaagad siya (Janella), eh,” kuwento pa ng director.

Inamin din ni Direk Perci na hindi maiiwasang magkaroon ng aberya sa mermaid costume ni Janella.

“May isang time na ang ganda na nung shot tapos kailangan niyang umahon kasi nga natatanggal yung parang kabibe sa may dibdib niya. Kaya binalik pa namin siya sa boat, inayos pa namin yung prosthetics.

“Pero wala (nakita), naagapan naman. May presence of mind naman yung bata,” sabay tawa ni Direk Perci.

Dagdag na kuwento pa niya, “Kahit naman sa shoot ni Jun sa Haunted Mansion, wala talaga siyang reklamo. Ang problema lang talaga sa kanya, yung schedule. Pero once naisara mo na yung schedule, once nandiyan siya sa ‘yo, hindi pahirapan na tawagin siya sa tent.

“Hindi pahirapan yung, ‘Ay, pagod na ako, ayoko ng kunan to.’ Walang ganun. Sana ganun lang lagi,” pagtatapos ni Direk Perci.

Ang My Fairy Tail Love Story ay produced ng Regal Films and The IdeaFirst Company.