EXCLUSIVE: AJ Muhlach, aminadong pressured sa pagiging ‘Muhlach’

AJ Muhlach di pa din daw handang magpakasal.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/09/2017 09:25 AM
EXCLUSIVE: AJ Muhlach, aminadong pressured sa pagiging ‘Muhlach’

 

Half-brother ni AJ Muhlach si Aga kaya aminado ang bida ng Double Barrel: Sige Iputok Mo na nakakaramdam din siya ng pressure sa pagiging achiever ng kanyang kuya bilang aktor sa kanilang pamilya.

“Oo naman, may pressure talaga. Di ko siya naiisip, unconsciously siguro. Ngayon ko lang na-realize na siyempre Muhlach, kumbaga kailangan may ma-achieve ka na something,” pag-amin ni AJ sa PUSH.


Patuloy niya, “Mas internal siya, eh, sa family, yung iniisip ko na gusto kong may mapatunayan sa mga kamag-anak ko, na kaya ko, ganyan. Na kumbaga, kaya ko ring umakting ng ganyan.

“Mas sa acting ako na-aano, eh, hindi naman do’n sa fame. Mas do’n ako napi-pressure, eh, na, ‘Paano nagagawa ni Kuya Aga yan? Paano umiiyak yan sa mga eksena niya?’ Ako, parang gusto ko ring magawa yon.”

Hindi rin daw maiiwasan na ikumpara siya sa kanyang Kuya Aga.

“May ganu’n din po, laging nakakonek po. Pero in a good way naman, at least. Bihira rin po kaming magkita, eh. Si Kuya Aga busy sa family niya.”

AJ is 25 years old at seven years na ang relasyon nila ng kanyang girlfriend. Wala pa naman daw siyang balak magka-anak at magpakasal.

“Nakakatakot po, eh. Nakakatakot mag-asawa, mag-anak agad ngayon ng ganitong edad.

“Saka ayokong mag-anak ng hindi sure, kawawa naman yung bata. Tatay ko din po ang nagsasabi niyan kaya ako takot.

“Nakita ko po kasi kung gaano kasakit ang ulo ng tatay ko sa amin, eh. So, ayoko ring sumakit ang ulo ko ng ganu’n,” sambit niya.

Hindi rin daw uso sa kanilang mag-girlfriend ang live-in.

“Bawal po yon, Iglesia po kami (INC). Girlfriend-boyfriend lang. Ang target ko, 28 to 30 years old (magpapakasal).”

Wala bang conflict ang role ni AJ sa Double Barrel bilang isang dating pusher na eventually ay naging hired killer at asset ng mga pulis para patayin ang ibang drug pushers.

“Wala naman po,” sagot nia. “Kasi hindi ko naman po siya ginagawa sa totoong buhay, eh. Kumbaga, character naman po yon, eh, wala naman pong problema.”

Approve din daw sa tatay niya ang pagpapalit niya ng religion—from being a Catholic to Iglesia Ni Cristo.

“Una po, dahil sa girlfriend. Pero nagkaroon po ako ng turning point, eh, after ng mga ilang years na.

“Okey naman po sa tatay ko kasi religion daw po yon, eh. Kumbaga, kung anong belief ko at least may religion at may takot ako sa Diyos kesa naman wala,” rason ng aktor.

Showing na ngayon ang Double Barrel na prinodyus ng Viva Films sa direksyon ni Toto Natividad. Kasama ni AJ sa movie sina Phoebe Walker, Ali Khatibi, at Jeric Raval.