• Home
  • Fresh Scoops
  • Winwyn Marquez ibinahagi ang kanyang mga preparasyon para sa Miss World Philippines.

Winwyn Marquez, pressured nga ba maiuwi ang Miss World Philippines title?

Winwyn Marquez ibinahagi ang kanyang mga preparasyon para sa Miss World Philippines.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/08/2017 09:59 AM
Winwyn Marquez, pressured nga ba maiuwi ang Miss World Philippines title?
Photo credits to wynmarquez IG

 

Present sa naganap na makeup tutorial ng BYS cosmetics ang 35 official candidates ng 2017 Miss World Philippines. 

Kabilang sa mga kandidata si Winwyn Marquez na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.


Sa vital statistics na 35-23-35, handa na muling sumabak si Winwyn sa pageant matapos nitong sumubok noong 2015 sa Binibining Pilipinas kung saan umabot siya sa top 15.

 

Dear Past, thank you for the lessons. Dear Future, I am ready. 🙏🏼 #ForTheWyn #MWP2017

A post shared by Wyn Marquez (@wynmarquez) on

Sa panayam na ito, ibinahagi ni Winwyn ang kanyang paghahanda para sa muling pagsali sa pageant.

"Patience, number one yan, kasi you need to find time in busy schedule, dapat laging may energy. Kailangan alam mo din yung baon mong pagkain kasi siyempre sa pageant talaga you need energy."

Kahit na pinaghahandaan ang kanilang sexy na katawan, kuwento ni Winwyn kumakain pa din daw siya ng kanin.

"I eat rice, I need carbs talaga kasi hindi ko kinakaya pero siyempre balance pa din talaga and I'm working out at home kapag may konting energy pa. Kasi it doesn't mean na kailangan mo talaga mag crash diet sa pageant kasi kailangan mo ng carbs para magka energy kasa lahat ng activities."

Dahil puspusan ang paghahanda sa pageant, aminado si Winwyn na nakakaramdam umano siya ng pressure dahil sa kanyang dinadalang pangalan at sa kanyang pagiging artista.

 

"Stay positive, work hard and make it happen" ❤️

A post shared by Wyn Marquez (@wynmarquez) on

"For me, pressure siya kasi they going to expect a lot from you so mas madali mo ma-disappoint yung tao. And ayun yung ayaw namin na mangyari so what we are trying to do is to perform our best and we don't want to disappoint people so I think that's the hardest part," pahayag pa ni Winwyn.

Pressured man, masayang masaya pa din si Winwyn para sa suporta na ibinibigay sa kanya ng kanyang buong pamilya.