• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin Nievera nagbigay ng reaksiyon sa sinabi ni Sharon Cuneta tungkol sa kanyang pagiging singer.

Martin Nievera nagbigay ng reaksiyon sa sinabi ni Sharon Cuneta tungkol sa kanyang pagiging singer

Martin Nievera nagbigay ng reaksiyon sa sinabi ni Sharon Cuneta tungkol sa kanyang pagiging singer.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/08/2017 10:03 AM
Martin Nievera nagbigay ng reaksiyon sa sinabi ni Sharon Cuneta tungkol sa kanyang pagiging singer

 

Mula sa success ng katatapos lang na ASAP Live in Toronto, sinalubong agad si Martin Nievera ng magandang papuri ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang social media post.

Ayon kasi kay Sharon na isa sa mga coach ng katatapos lang na The Voice Teens edition, isa si Martin sa may magandang impluwensya pagdating sa musika na dapat sundan ng mga bagong henerasyon ng singer.


Nagpasalamat si Concert King sa mga papuri ni Sharon sa kanya.

"First of all, Sharon thank you for mentioning my name as one of the 'pegs' on what should the industry should become, parang the balladeers are disappearing kasi parang R&B na ang parang bagong balladeer king though there's nothing wrong with that. Inggit lang ako dahil di ko kaya yun e (laughs)," ani pa ni Martin.

Dagdag pa ni Martin, kailangan na ng mga bagong mukha at talento na silang magtutuloy sa kanilang mga naumpisahan sa Original Pilipino Music.

"Pero tama si Sharon. We need more singers, especially of Filipino songs. And Filipino music has to be soulful na parang pang ballad and pang romance talaga," saad ni Martin.

Kung mabibigyan din ng pagkakataon, bukas din sa posibilidad si Martin na magbahagi ng kanyang nalalaman sa mga future singers

"Open na open ako mag-mentor even off-stage, kahit walang TV show, kahit walang competition. I'm flattered and honored that kids come up to me asking for advice, I think that's what the singers of yesterday should be doing today," sabi pa ni Martin.

Bilang isang ama naman, masaya din si Martin para kay Robin Nievera na girlfriend ngayon si Zia Quizon na anak ni Zsa Zsa Padilla. Ayon kay Martin, good influence daw ang dalaga sa kanyang anak.

 

@ziaquizon @robinnievera and dad #robinnievera #ziaquizon #martinnievera

A post shared by martinnievera (@martinnievera) on

"I love Zia. Zia Quizon for me is really good for my son and I can say that with confidence because Robin is a loving boy like his mother, it’s hard to show somehow. And Zia brings out the best in Robin and for me that's the best partner you can have," pahayag pa ni Martin.

Sa ngayon nakatakdang bumalik sa concert scene si Martin para sa kanyang nakahandang benefit event na Big Mouth, Big Heart, Big Night na magaganap sa darating na August 19 sa Metro Tent.