• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng Megastar na very professional katrabaho ni Ian, kaya gusto niya itong makatrabahong muli.

Sharon Cuneta at Ian Veneracion movie, posible ba?

Sinabi ng Megastar na very professional katrabaho ni Ian, kaya gusto niya itong makatrabahong muli.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/07/2017 12:44 AM
Sharon Cuneta at Ian Veneracion movie, posible ba?
Photo credits to reallysharoncuneta IG

 

Puring puri ni Megastar Sharon Cuneta ang aktor na si Ian Veneracion, nang nakasama niya ito sa kanyang concert tour kamakailan sa America.

Busy man sa kanyang gabi-gabing shooting sa A Love To Last, nagawa pa din umano ni Ian na mag-guest sa kanyang US Concert tour nitong nagdaang July.


"Uwi siya, pagkatapos ng show uwi siya, taping siya ulit the following weekend lipad siya for the show. Oh my god, Three times yun ah? And it was so wonderful working with him napaka-down to earth, walang yabang, He played the guitar, he sang. Napaka lakas ng charisma sa audience kaya nakakatuwa," kwento ni Sharon.

Dahil sa pagiging propesyonal ni Ian sa kanyang trabaho, aminado si Megastar na isa siya sa mga naging instant fan siya ng aktor.

"Diyan mo makikita yung professional na artista, na secured sa sarili, kasi ang laki niyang artista tapos he was so generous, instantly naging fan ako ni Ian, ang sarap kausap!" sabi pa ng aktres.

 

Ian & Sharon at the Alex Theater, Glendale, CA. June 24, 2017. Thank you for giving us a sold-out show!

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

Mula sa magandang feedback ng mga nanuod sa kanyang concert kasama si Ian, naging birubiruan na din ngayon na si Ian na daw ang kanyang ka-love team.

"Nireport ko kaagad kanila Tita Malou (Santos ng Star Cinema). 'Tita eto pwede ba? Nagpadala ako pictures nireport ko!" masayang kuwento pa ni Sharon.

Sa ngayon wala pa din malinaw na kompirmasyon ang Star Cinema kung sino na ang maaring makasama ni Megastar sa pelikula matapos umatras ni Gabby Concepcion, na labis na inaabangan sana ng mga Sharonians.