• Home
  • Fresh Scoops
  • Louise Delos Reyes malaki ang paghanga sa dedikayon ni Cococ Martin sa ‘FPJ’s Ang Probisyano’

Louise Delos Reyes ibinahagi ang working experience bilang baguhan sa ‘FPJ's Ang Probinsyano’

Louise Delos Reyes malaki ang paghanga sa dedikayon ni Cococ Martin sa ‘FPJ’s Ang Probisyano’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/06/2017 10:28 AM
Louise Delos Reyes ibinahagi ang working experience bilang baguhan sa ‘FPJ's Ang Probinsyano’

 

Masayang-masaya ang aktres na si Louise Delos Reyes para sa patuloy na pagbuhos ng blessings sa kanyang career ngayon.

Isa ngayon si Louise sa mga bagong talent ng Viva Artist matapos nitong lisanin ang GMA artist Center.


Kuwento ni Louise, hindi pa din siya makapaniwala ngayon na kasama na siya sa number primetime teleserye ng ABS-CBN.

 

Isang karangalan. #FPJAngProbinsyano ♥️

A post shared by LDR (@louise.dr) on

"Sobrang nakakataba ng puso at sobrang overwhelmed pa din po ako hanggang ngayon. Hindi pa din kasi talaga ako makapaniwala na mag tataping ako for Ang Probinsyano and this is my first project sa kapamilya network."

Kuwento ni Louise, proud din para sa kanya ang kanyang mga magulang na fans din ni Coco Martin at ng Ang Probinsyano.

"Sobrang honored ako kasi first project ko Ang Probinsyano agad tapos ang dami natutuwa. Sabi nila, 'Ang galing naman first project mo tapos Ang Probinsyano agad.' Masaya po ako kasi maganda din po yung role na ibinigay sa akin," ani pa ng aktres.

Ayon pa kay Louise, ibang-iba ang kanyang role sa Ang Probinsyano sa nakasanayang sweet at pa-charming na karakter na kanyang ginagampanan noon.

"Malapit po sa akin ito kasi mga pulis po ang kapatid ko and ang daddy ko. Tapos ako dito Special Action Force (SAF). And this is something new kasi for the longest time puro drama projects ang ibinibigay sa akin kaya iba talaga ‘to," sabi pa nito.

Puring-puri din si Louise sa dedikasyon na ipinapakita ni Coco sa kanila sa set. Dahil dito, hindi na din nagtataka si Louise kung bakit number one ang programa sa primetime.

"Si kuya Coco napaka-professional niyang tao. Siya yung tao na palaging on the set. Minsan lang siya nagpupunta sa aircon tent niya kasi gusto niya nakikipag-usap sa amin. Gusto niya andon siya nakatutok siya sa set, gusto niya nakikita niya kung may mali, kung may mali na sa itatakbo ng story, kung may maibibigay siyang input sa story."

Dahil unti-unti ng nakapasok sa kapamilya network ang dalaga, looking forward pa si Louise na makasama at makatrabaho ang ilan pa sa malaking bituin ng network.