• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Diño is grateful filmmakers were able to set aside their differences for the sake of Pinoy films.

Liza Diño gives emotional message at PPP launch

Liza Diño is grateful filmmakers were able to set aside their differences for the sake of Pinoy films.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/06/2017 10:09 AM
Liza Diño gives emotional message at PPP launch

 

Emosyonal na pinasalamatan ng Film Development Council of The Philippines FDCP chairperson Liza Diño ang mga sumusuporta sa unang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Napapaligiran man ng kontrobersya, masaya si Liza bilang FDCP Chairman na maidaraos nila ng maayos ang pagsasama-sama ng mga mahuhusay na Pinoy filmmakers.


"Kayo po (filmmakers) ang nagpapalaganap ng tunay na core ng Filipino films, kaya maraming maraming salamat for participating in this festival with us," sabi pa nito.

Mayroon mang hindi pag kakaintindihan, proud si Liza na nagawa ng mga filmmakers ipa-isang tabi ito at sama-sama pa din sila sa hangarin na palakasin ang pelikulang Pilipino.

"All of us are here being one and setting aside our personal interest, setting aside our prejudice, lahat ng hugot at issues natin sa bawat isa dahil naniniwala tayo sa ipinaglalaban ng bawat isa," ani pa ni Liza.

Bukod sa mga filmmakers, malaki din ang ipinagpasalamat ng chairperson sa mga tumulong sa kanyang proyekto kabilang na ang entertainment press na isa sa kanyang mga naging kritiko sa kanyang gawain.

"Iba-iba man po ang opinyon natin, as FDCP chairman I understand. Hindi po ako sikat and I'm not really a prominent figure in the Industry but I am a worker. Pero labis po ang pasasalamat ko sa lahat ng entertainment press natin na talagang andyan, consistently supporting our programs at the FDCP," pahayag pa nito.

Mapapanuod ang mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa mula August 16 hanggang 22 sa mga sinehan sa buong Pilipinas