• Home
  • Fresh Scoops
  • ABS-CBN TV writer-turned-director Sonny Calvento bibinyagan sa Cinemalaya 2017 film na ‘Nabubulok’

EXCLUSIVE: Sonny Calvento aminadong na-pressure idirek si Gina Alajar

ABS-CBN TV writer-turned-director Sonny Calvento bibinyagan sa Cinemalaya 2017 film na ‘Nabubulok’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/06/2017 10:02 AM
EXCLUSIVE: Sonny Calvento aminadong na-pressure idirek si Gina Alajar

 

Direktor na rin ang TV writer ng ABS-CBN Star Creatives na si Sonny Calvento na anak naman ng batikang kolumnista na si Tony Calvento.

Isa ang pelikula niyang Nabubulok na pinagbibidahan nina JC Santos, Gina Alajar at Jameson Blake sa mga kasali sa 2017 Cinemalaya film fest.


Dalawa sa mga nasulat na teleserye ni Direk Sonny sa ABS-CBN ay ang You’re My Home nina Dawn Zulueta at Richard Gomez at ang Apoy Sa Dagat nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

Ang Nabubulok na si Direk Sonny rin ang ay base sa isang true-to-life crime story ng isang kasamahan niya sa ABS-CBN.

Aniya, “Mahilig po kasi ako sa crime film. Nung narinig ko po ‘yung kwento niya, sobra po akong naapektuhan na parang na-feel ko na ito yung tamang material na isulat para sa pelikula.

“Kwento po siya ng isang kasamahan ko sa ABS-CBN, sa kamag-anak niya po nangyari yung crime.”

Ayon pa sa baguhang direktor, masaya naman siya sa kinalabasan ng kanyang kauna-unahang pelikula.

“Happy po ako dun sa napanood ko. Happy po ako dun sa naging kabuuan ng pelikula namin.
“So ayun, more than enough na po ‘yun sa akin na naramdaman ko na importanteng ikwento ‘yung ganitong klase ng story sa audience, kasi  naramdaman ko naman po na may gustong sabihin yung pelikula,” sambit pa niya.
As a new movie director hindi ba siya na-itimidate makatrabaho ang mga artista tulad na lang ng actress-director na si Gina Alajar?

“Actually, lahat po ng aktors namin mababait. Tapos sobrang ginuide nila po kami, lalo na si Ms. Gina Alajar,” kuwento niya.

Patuloy pa ni Sonny, “Talagang pumupunta lang siya sa set as an actress and not as a director. Talagang hinayaan niya lang ako. Ginawa niya yung gusto ko without any complains.

“So talagang happy po ako sa working relationship ko sa cast ko, kasi mababait po silang lahat.”

Inamin din ng direktor na na-pressure siya working with Gina sa simula ng shooting nila.

“Actually, before kami mag-shoot, sobrang pressured po ako.  Nung first shooting day po namin, sabi ko, huwag muna si Ms. Gina para confident na ako at least, naka-isang shooting day muna ako.  

“Pero nung pumunta po siya (Gina) sa set, napaka-accomodating niya, as in wala po talaga akong masabi kasi talagang napakabait niya at walang reklamo sa set,” pahayag niya.

Gala premiere ng Nabubulok sa CCP Main Theater kahapon (August 5) at mapapanood na rin ang pelikula sa ilang piling sinehan sa Metro Manila.